• Home
  • Fresh Scoops
  • Nag-fan girl mode ang aktres na si Kim Chiu matapos mapansin ng K-pop group na ITZY ang ginawa niyang dance cover sa kanta ng grupo na ‘Swipe.’

Dance video ni Kim Chiu, napansin ng ITZY

Nag-fan girl mode ang aktres na si Kim Chiu matapos mapansin ng K-pop group na ITZY ang ginawa niyang dance cover sa kanta ng grupo na ‘Swipe.’

Dance video ni Kim Chiu, napansin ng ITZY-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

03/16/2022 11:04 AM
Dance video ni Kim Chiu, napansin ng ITZY
Photo credits to @chinitaprincess on Instagram

Nag-fan girl mode ang aktres na si Kim Chiu matapos mapansin ng K-pop group na ITZY ang ginawa niyang dance cover sa kanta ng grupo na "Swipe."

Sa Instagram, nag-post si Kim ng isang TikTok video kung saan makikitang nagre-react ang ITZY member na si Yuna sa kanyang pagsayaw. 

Ayon kay Kim, noong una ay hindi umano siya naniniwalang napansin ng kanyang paboritong grupo ang kanyang dance video. Ngunit laking gulat niya nang makita ang sarili sa official TikTok account nito. 

"LIKE OMG!!!!!! I didn’t believe at first then I checked ITZY official TikTok account… Like…. OMG!!! I cannot breathe!!! Nahimatay ako ng 5 seconds. @itzy.all.in.us YUNA saw my dance!!??? Can someone pinch me now na! Mejo OA pero legit nga!!! #TIKTOKduet with ITZY Yuna REALNESS!!!!! #midzy here thank you!!!! made my night!!! #itzy #itzyyuna," ani Kim.

Matatandaan na noong 2020 ay naglabas din si Kim ng dance cover ng sikat na kanta ng ITZY na "Not Shy."

Bukod sa nasabing grupo, fan din ang aktres ng mga sikat na Korean girl group na BLACKPINK at TWICE. 

PANOORIN: Kim Chiu, nagpabilib sa ‘Not Shy’ dance cover

Kasalukuyang napapanood si Kim bilang isa sa mga host ng ABS-CBN noontime show na It's Showtime.