• Home
  • Fresh Scoops
  • Isang mensahe ang ibinahagi ni Angel Locsin para sa kanyang mister na si Neil Arce, na nagdiwang ng kanyang kaarawan nitong Martes, Marso 15.

Angel Locsin, may nakakatuwang mensahe para sa kaarawan ni Neil Arce

Isang mensahe ang ibinahagi ni Angel Locsin para sa kanyang mister na si Neil Arce, na nagdiwang ng kanyang kaarawan nitong Martes, Marso 15.

Angel Locsin, may nakakatuwang mensahe para sa kaarawan ni Neil Arce-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

03/16/2022 10:33 AM
Angel Locsin, may nakakatuwang mensahe para sa kaarawan ni Neil Arce
Photo credits to @therealangellocsin on Instagram

Isang mensahe ang ibinahagi ni Angel Locsin para sa kanyang mister na si Neil Arce, na nagdiwang ng kanyang kaarawan nitong Martes, Marso 15.

Sa Instagram, nakakatawa pero matamis ang naging pagbati ng aktres para sa kanyang kabiyak.

"Hindi man siya kasing galing nila @erwan @dongdantes at @dominicroque mag-picture, hindi naman siya nahuhuli pagdating sa effort," ani Angel.

"Kaya talo man ako sa ganda ng feed nila @annecurtissmith @marianrivera at @beaalonzo, panalo naman ako sa pagmamahal at kasiyahan na binigay niya sa’kin."

"Maligayang kaarawan my love @neil_arce. Mag-aral ka lang mag-picture, sobrang perfect mo na talaga," saad pa ng aktres.

Sagot naman ni Neil sa comment section ng kanyang post: "I love you!!!"

Bukod sa film producer ay nag-iwan din ng komento sina Marian Rivera at Bea Alonzo, na parehas na malapit na kaibigan ni Angel.

"Wahahahah. 'Di bale maganda naman subject niya palagi! Happy birthday Neil!" ani Marian.

"Hahahahahaha. Happy birthday @neil_arce!!!" sabi naman ni Bea.

LOOK: Anne Curtis, Angel Locsin, Angelica Panganiban, Dimples Romana, and Bea Alonzo reunite

Hulyo noong 2021 nang ikinasal sina Angel at Neil sa isang civil ceremony sa Taguig City.

Matatandaang taong 2019 nang na-engage ang dalawa matapos lamang ang mahigit isang taon bilang magkasintahan. Sa nakaraang panayam, sinabi ni Neil na nais pa rin nilang magkaroon ng malaking kasal kung saan lahat ng kanilang mga kaibigan at kapamilya ay maaaring makadalo.

Aniya, sa ngayon ay nais muna nilang i-enjoy ang kanilang oras na magkasama bilang mag-asawa.