• Home
  • Fresh Scoops
  • Muling nagsalita si Rey ‘PJ’ Abellana kaugnay sa isyu ng kanyang manugang na si Tom Rodriguez at anak na si Carla Abellana.

Rey ‘PJ’ Abellana, binawi ang ‘one night stand issue’ ni Tom Rodriguez: ‘Walang katotohanan’

Muling nagsalita si Rey ‘PJ’ Abellana kaugnay sa isyu ng kanyang manugang na si Tom Rodriguez at anak na si Carla Abellana.

Rey ‘PJ’ Abellana, binawi ang ‘one night stand issue’ ni Tom Rodriguez: ‘Walang katotohanan’-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

03/15/2022 09:43 PM
Rey ‘PJ’ Abellana, binawi ang ‘one night stand issue’ ni Tom Rodriguez: ‘Walang katotohanan’
Photo credits: @carlaangeline on Instagram (right)

Matapos ibunyag ang tungkol sa umano’y kinasangkutan na one-night stand isyu na naging dahilan ng problema sa pagitan ng mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana, binawi naman ito ni Rey “PJ” Abellana, ang ama ni Carla, ang kanyang naunang pahayag. 

Sa panayam ni PJ sa 24 Oras, nilinaw nito na nagbigay siya ng payo kina Tom at Carla.


Ani ng ama ni Carla, ipinaliwanag niya sa mag-asawa ang kahalagahan ng komunikasyon upang maayos nila ito.

“Importante na may communication silang dalawa, i-work out na nila 'yan. So much the better ma-normalize na uli sila. Maipatuloy na nila ang buhay mag-asawa nila,” ani PJ. 

Mismong si Tom naman umano ang lumapit kay PJ upang ipaliwanag ang kanilang problema ni Carla. 

Pagbabahagi pa ni PJ, umiiyak si Tom habang ipinapaliwanag nito sa kanya ang nangyari. Gusto na umano ni Tom na muling makasama ang kanyang asawa. 

READ: Rey ‘PJ’ Abellana, hindi pa nakakaharap si Tom Rodriguez na BF ng anak niyang si Carla Abellana

“When he came over to talk to me and explain his side, he would cry along with his explanations and everything and he keeps on saying na, he wants his wife back.”

Dagdag pa niya: “He wants Carla back. [He] loves Carla very much that's why they settled down.” 

Nalaman umano ni Carla na may one-night issue na kumakalat tungkol sa kanyang asawa ngunit nauna na umanong sinabi ng dating “PBB” housemate na wala itong katotohanan. 

“At first, nalaman ni Carla na may issue na one night stand na involved si Tom. Si Tom naman already able to explain kay Carla na wala naman din pong katotohanan ito at naiwasan naman din niya na mangyari iyon,” ani PJ. 

“Wala pong natuloy na one-night stand according to Tom's side naman. ’Yun po ang scenario sa issue roon sa one-night stand,” dagdag pa niya. 

WATCH: Rey ‘PJ’ Abellana, nagsalita na tungkol sa isyu nina Carla Abellana at Tom Rodriguez | PUSH Daily

Gayunpaman, inamin ni PJ na hindi pa rin niya naririnig ang panig ni Carla hinggil sa isyu hanggang ngayon.