• Home
  • Fresh Scoops
  • Laking tuwa ni Jolina Magdangal nang bigyan siya ng mamahaling sapatos ng kanyang kapwa host at mang-aawit na si Regine Velasquez.

Jolina Magdangal, binigyan ng mamahaling sapatos ni Regine Velasquez

Laking tuwa ni Jolina Magdangal nang bigyan siya ng mamahaling sapatos ng kanyang kapwa host at mang-aawit na si Regine Velasquez.

Jolina Magdangal, binigyan ng mamahaling sapatos ni Regine Velasquez-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

03/15/2022 10:38 AM
Jolina Magdangal, binigyan ng mamahaling sapatos ni Regine Velasquez
Photo credits to @mariajolina_ig @reginevalcasid on Instagram

Pinasalamatan ni Jolina Magdangal ang kapwa host at mang-aawit na si Regine Velasquez matapos siya nitong bigyan ng mamahaling sapatos kamakailan.

Sa kaniyang Instagram account, isang retrato ang ibinahagi ni Jolina kung saan makikita ang Dolce & Gabbana pumps na ibinigay ni Regine sa kanya.

Kwento ng aktres, hindi niya inasahan na isa siya sa mga mabibigyan ng mamahaling sapatos ni Regine lalo pa't magkaiba sila ng sukat ng paa.

"Share ko lang…May isang taong very generous. 'Pag nakita niya na bagay sa taong ito kung anumang gamit meron siya, binibigay nya. At isa na nga ang mga super gaganda at branded shoes nya. May mga kaibigan ako na nabigyan na niya ng shoes kasi magka-size sila. Pare-pareho silang size 6. Kaya sabi ko... naku malabo na ako kasi 4 1/2 ako (Hahaha! Manika lang)," ani Jolina.

"PERO!!!!! Totoo nga ang kasabihang 'Never lose hope.' Nung isang araw, pasuot na siya ng napakaganda niyang sapatos, biglang sabi niya sakin, 'Sukat mo nga Jolens.' Bigla akong kinabahan, kaya dinahan-dahan ko ang pagsuot ng sapatos na parang nung sinusuot 'yung Glass Shoes ni Cinderella, at ang naiisip ko… 'Ito na yata ang moment ko.'"

Laking tuwa naman ni Jolina nang magkasya sa kanya ang nasabing sapatos na ito ni Regine.

"KUMASYA!!!!!!! Fit na fit!!!!!! At narinig ko nga ang matamis na, 'Sige sayo na.' Muntik ako mapakanta ng 'This is the Moment' ni Erik Santos."

"To my Fairy Godmother (at Fairy Godmother ng karamihan) ate @reginevalcasid, maraming salamat!!! 'Di ako makapaniwala na may nagkasya sakin na shoes mo kaya nilagay ko siya sa side table ko. Hahahahaha! I love you Ate!!!" sabi pa ng aktres.

Komento naman ni Regine sa kanyang post: "Ang cute mo Jolen. But you have to wear it, masisira 'pag hindi eh. Love you."

PANOORIN: Regine Velasquez, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal, humabol sa #DropChallenge

Kasalukuyang napapanood sina Jolina at Regine bilang hosts ng ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay, kasama si Melai Cantiveros.

Napapanood ang Magandang Buhay tuwing umaga sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at sa iba pang platform ng ABS-CBN.