• Home
  • Fresh Scoops
  • May mensahe din ang ka-love team ni Alexa Ilacad na si KD Estrada.

TINGNAN: Alexa Ilacad, grumadweyt na ng kolehiyo

May mensahe din ang ka-love team ni Alexa Ilacad na si KD Estrada.

TINGNAN: Alexa Ilacad, grumadweyt na ng kolehiyo-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

03/14/2022 07:29 PM
TINGNAN: Alexa Ilacad, grumadweyt na ng kolehiyo
Photo credits: @ alexailacad on Instagram

Proud na ibinandera ni Alexa Ilacad ang kanyang pagtatapos sa kolehiyo. 

Sa isang Instagram post kung saan ibinahagi niya ang kanyang graduation photo, ramdam ang labis na pagkatuwa ng aktres. 

Ani Alexa na ibinahagi ang isang kataga mula sa American politician na si Colin Powell, ang isang pangarap umano ay hindi maisasakatuparan kung walang determinasyon at pagpupursigi. 


Tinawag naman ng Kapamilya star na "greatest achievement" ang kanyang pagtatapos sa kolehiyo. 

READ: Alexa Ilacad to graduate from college with perfect 1.0 GWA

Aniya, malaki ang kanyang pasasalamat sa pamantasan kung saan siya nagtapos ng kanyang pag-aaral. 

"Still my greatest achievement. I have nothing but gratitude in my heart for my @trestonph family," ani Alexa.

"I am blessed to have had a great support-system in school and at home. Thankful for my professors and mentors who helped me power through college without ever sacrificing excellence, and to my peers/barkada for making college life easier!" dagdag pa niya. 

Hindi din nakalimutang pasalamatan ni Alexa ang kanyang mga magulang na pinag-alayan niya ng kanyang tagumpay. 

READ: Alexa Ilacad on rumored relationship with KD Estrada: ‘Sa totoo lang puwede na nga eh’

"To my parents & supporters, I hope I made you proud. This one’s for you," ani Alexa. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Alexa Ilacad (@alexailacad)

Samantala, may nakakalilig naman na mensahe ang kanyang love team partner na si KD Estrada na isa sa mga miyembro ng KDLex. 

"Eto type ko eh," ani KD. 

Proud din ang kapwa housemate ni Alexa sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 na si Karen Bordador. 

"Ooooh was here!!! The pretty graduate! So proud of my Baby A!!!" mensahe naman ni Karen. 

Nagtapos si Alexa Ilacad sa Treston International College bilang isang Dean's Lister.