• Home
  • Fresh Scoops
  • Umaasa si Sue Ramirez na ang kanyang boyfriend ngayon ang kanyang ‘the one.’

Sue Ramirez sa kanyang boyfriend ngayon: ‘Sana ‘yun na ‘yun’

Umaasa si Sue Ramirez na ang kanyang boyfriend ngayon ang kanyang ‘the one.’

Sue Ramirez sa kanyang boyfriend ngayon: ‘Sana ‘yun na ‘yun’-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

03/14/2022 08:23 AM
Sue Ramirez sa kanyang boyfriend ngayon: ‘Sana ‘yun na ‘yun’
Photo credit to @sueannadoodles Instagram

Umaasa ang aktres na si Sue Ramirez na ang kanyang boyfriend na si Javi Benitez na ang kanyang “the one.”

Sa panayam ng The Broken Marriage Vow star sa beteranang broadcast journalist na si Karen Davila, ibinahagi nito ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Sue Dodd (@sueannadoodles)


Nobyo ngayon ni Sue si Javi Benitez na isa ring Star Magic artist gaya niya. Lumabas noon si Javi sa mga serye gaya ng The General’s Daughter at Walang Hanggang Paalam.

Pagbabahagi ni Sue, gusto niya na kagaya ng kanyang ama ang kanyang mapapanga-asawa.

“The ideal guy is my dad. He is the best person I know. He’s the smartest. He speaks seven languages. He was a diplomat. He was so, so smart. Sobrang bait na tao,” ani Sue. 

Dagdag pa niya: “All the people that I meet and interact with who had a relationship with my dad before, like a friend or kahit katrabaho, they have nothing bad to say about my dad. Sobrang nakaka-proud,” dagdag pa niya. 

READ: Celebs, fans gush over Sue Ramirez’ new photos

Masaya naman si Sue dahil nakita niya ang mga katangiang ito sa kanyang boyfriend ngayon na si Javi. 

“I hope [siya na]. I am the type of person kasi na kapag nag-love ako, love ko talaga. Sana ‘yun na ‘yun,” ani Sue.

Sinabi naman ni Sue na palagi lang siyang nakasuporta kay Javi sa lahat ng plano niya. 

“Every time naman that I can, I will be there. But of course, gusto ko din na ginagawa ko yung gusto ko habang ginagawa niya yung gusto niya. And we are young. Ang dami pa naming plano,” aniya.  

“Kapag usapang trabaho, iba na ‘yun. Siguro in the future, magkakaroon kami ng mas maraming time together. Pero, for now, we are trying to establish ‘yung ikaw lang mag-isa habang kayong dalawa,” dagdag pa niya.