• Home
  • Fresh Scoops
  • Napa-Drop Challenge ang momshie hosts ng ‘Magandang Buhay.’

PANOORIN: Regine Velasquez, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal, humabol sa #DropChallenge

Napa-Drop Challenge ang momshie hosts ng ‘Magandang Buhay.’

PANOORIN: Regine Velasquez, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal, humabol sa #DropChallenge-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

03/14/2022 06:01 PM
PANOORIN: Regine Velasquez, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal, humabol sa #DropChallenge
Photo credits: @mariajolina_ig on Instagram

Humabol ang Magandang Buhay hosts na sina Regine Velasquez-Alcasid, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal sa Drop Challenge. 

Ang Drop Challenge ay isang challenge kung saan kinakailangang mag-squat ang mga sumasali dito sa beat ng kanta ni Beyonce na “Partition.”


Ginawa ng mga momshie hosts ang challenge na ito sa loob ng studio ng kanilang morning program sa ABS-CBN na Magandang Buhay.

“Ihahabol namin itong #DropChallenge entry ng MB family sa TikTok,” ani Jolina sa caption ng kanyang Instagram post. 

Malaki naman pasasalamat ni Jolina sa staff at crew ng Magandang Buhay pati na ang guest nila na si feng shui expert na si Master Hanz Cua sa pagiging game nila na sumabak sa nasabing challenge. 

READ: Regine Velasquez jokes about wanting to become a ‘sexy star’; addresses ‘Magandang Buhay’ stint

Salamat sa aming mga camera man, audio and technical team, sa director na game na game (nakatayo kaya si direk after ma-drop? Labyu Direk @arnelnatividad),” saad ni Jolina. 

Si @masterhanzcua lumaban din!!!! At syempre kay Ate @reginevalcasid na sobrang game din sa lahat.. diba momshie @mrandmrsfrancisco . Si @darla na ayaw daw nya pero mas sexy pa yung pagka-drop! Nextime daw kasama na din boss namin.. diba Momshie @jasminip,” dagdag pa niya. 

Mapapanood ang Magandang Buhay tuwing umaga sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at sa iba’t-ibang platforms ng ABS-CBN.