• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa Instagram, ibinahagi ni Kris Aquino ang resulta ng kanyang medical exam, kung saan sumailalim siya sa ilang procedure.

Kris Aquino, sumailalim sa preliminary medical test

Sa Instagram, ibinahagi ni Kris Aquino ang resulta ng kanyang medical exam, kung saan sumailalim siya sa ilang procedure.

Kris Aquino, sumailalim sa preliminary medical test-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

03/14/2022 12:47 PM
Kris Aquino, sumailalim sa preliminary medical test
Photo credit to @krisaquino Instagram

Sumailalim sa preliminary medical exam ang dating aktres at host na si Kris Aquino ilang linggo bago ang kanyang nakatakdang pag-alis upang magpagaling sa ibang bansa.

Sa kanyang post sa Instagram, ibinahagi ni Kris ang resulta ng kanyang exam, kung saan sumailalim siya sa ilang medical procedure, kabilang na ang PET/CT scan, endoscopy, at biopsy.

Masayang pagbabahagi ng dating aktres, wala umanong tumor o kanser na nakita sa kanyang katawan. "Healthy" at "in good shape" rin ang kanyang puso, ayon sa kanyang cardiologist. 

Gayunpaman, mayroon siyang erosive gastritis at gastric ulcer. Wala pa rin umanong resulta mula sa kanyang biopsy, kung saan kinuhanan siya ng bone marrow fluid mula sa kanyang pelvic bone.

"I won't lie to you, there's this parang nabugbog nang bongga feeling in my lower spine BUT apart from my medicinal limitations, halos wala na kasi akong fat to help 'CUSHION' my bones. Kaya EXAG ang sakit, skin then diretso sa buto. Process and hit or miss para makahanap ng okay na pwesto 'pag hihiga at kung uupo," pagbabahagi pa ni Kris.

"I constantly remind myself: To keep thanking God since my current pain is temporary. Malalagpasan rin kaya bawal umangal, maraming mas malalang pinagdadaanan, at may hinihintay pang mga resulta kaya manahimik, magpasalamat, at patuloy na magdasal."

READ: Kris Aquino, hiling ang dasal ng fans para sa kanyang kaarawan

Patuloy pa ng dating aktres: "ALL the doctors taking care of me said different versions of this: PLEASE TRY TO EAT MORE, RELAX, BREATHE FRESH AIR, and ATTEMPT to start recreational walking. Since we are traveling to consult with more allergy, immunology, and hematology experts—they said to please make it a true HEALTH AND WELLNESS trip. Iregalo ko raw sa sarili at sa mga anak ko."

Sa huli ay muling nagpasalamat si Kris sa kanyang mga doktor at kaibigan na patuloy na sumusuporta at pinagdarasal ang kanyang paggaling.

Kabilang na rito ang aktres na si Angel Locsin na tila kasama rin ni Kris noong siya ay na-admit sa ospital para sa kanyang exam.

READ: Kris Aquino on friendship with Angel Locsin: ‘Friends for life na kami’

"Thank you to my friends, the lovable, feeling both 'stage mother' and main character in 'Grey's Anatomy' to both Kuya Josh and me, Angel Locsin-Arce, and the feeling doktora even though mommy niya is the real MD, who was scolding me for not pressing the pain reliever auto-release button kasi ayokong maging dependent, 'Hindi ito test ng tapang,' Anne Binay-Alcantara," ani Kris. 

"Maraming salamat po for caring about my FAMILY and praying with all of us. God bless you. May the Almighty always protect you and those closest to your hearts," sabi pa niya.

Noon lamang nakaraang linggo, sinabi ni Kris na nagtitiwala siya sa "timing" at plano ng Diyos para sa kanya. 

“Please 'wag natin i-claim that I’ll be healed, 'wag natin S'yang pangunahan. I continue praying for the Faith to continue Hoping that I’ll get healthy enough for those who still need and love me," aniya.