• Home
  • Fresh Scoops
  • Balik pelikula si Nadine Lustre sa suspense thriller na ‘Greed.’

Nadine Lustre, aminadong nanibago sa kanyang acting comeback

Balik pelikula si Nadine Lustre sa suspense thriller na ‘Greed.’

Nadine Lustre, aminadong nanibago sa kanyang acting comeback-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/13/2022 12:39 PM
Nadine Lustre, aminadong nanibago sa kanyang acting comeback
Photo credit: @nadine Instagram

Halos tatlong taon ding nagpahinga si Nadine Lustre sa pag-arte sa pelikula para bigyan daw ng atensyon ang kanyang personal na buhay at tutukan din ang ilang isyung kanyang pinagdaanan including ang kanyang mental health. Ang Indak ang pinakahuling pelikula ng aktres na ipinalabas noong 2019.

Ngayong 2022 ay balik-acting na ulit si Nadine. Bida ang aktres sa suspense thriller na Greed mula sa direksyon ni Yam Laranas, produced ng Viva Films na mapapanood sa Vivamax Plus pay-per-view sa March 16.

“A lot of rearranging happened in the last three years—mga issues po na na-put aside ko lang, things that I haven’t dealt with emotionally. Ang dami pong self-work na nangyari. Of course, with my mental health as well. Talagang I worked on myself,” lahad ng aktres sa ginanap na virtual mediacon ng Greed.


BASAHIN: Nadine Lustre says she’s ‘totally past the love team phase’

Aminado si Nadine na nanibago siya noong sinimula ng syuting ng kanyang comeback movie sa Viva. 

“Ang daming bagay na na-unlearn ko because nga po hindi ako humaharap sa camera. Merong times na pag nagshu-shoot kami, recently na po pag nagshu-shoot kami, parang hindi ko na alam kung papano ako magpo-pose, kung papano mag-smile,” kuwento niya.

“Medyo back to zero po ulit yung skills ko but it’s okay. Sobrang nanibago po kasi nga po sobrang tagal kong hindi nagtrabaho. Although nag-music po ako pero iba din naman kasing experience pag nagmu-music ka.

“Nung nagshu-shoot po kami ni Direk Yam, pag umaarte ako feeling ko may kulang o may mali. Basta, sobrang nakakapanibago po. But then, eventually, naitama ko naman po. Naibalik ko naman po uli because of the help of Direk Yam din and my co-actors,” dagdag ng aktres.

Inamin din ng bida ng Greed na talagang na-miss din niya ang pag-arte sa harap ng camera.

Aniya, “Sobrang na-miss ko po sjya kasi ibang iba talaga ang pakiramdam pag umaarte. And iba din ’yong feeling pag nagpe-perform, kumakanta o sumasayaw. Ang pinaka na-miss ko po kasi sa pag-arte yung pagpo-portray ng character.

“I’m really happy kasi nakatrabaho ko si Direk Yam. Ako kasi ever since napapanood ko po yung mga pelikula ni Direk Yam,  yung Aurora nga po yung isa na pinaka gusto ko na pelikula niya. So, nung nag-pitch po sila Boss sa akin, sila Direk, sobrang na-excite po ako.”

BASAHIN: Nadine Lustre, may apela tungkol sa planong pagpapatayo ng tulay sa Siargao

Ipinagmalaki rin ni Nadine na hindi na yung usual Nadine ang mapapanood ng fans sa Greed.

 Finally, this time, hindi na siya romantic-comedy or hindi lang siya drama. Thriller-horror siya so very exciting po. I’m really happy kasi this time around everyone is really trying to make an effort into changing, I guess, the genre or the stories that are being given to me,” pahayag ng aktres.

Patuloy niya, “Gusto talaga namin iba-iba na yung mga klase ng pelikula na gagawin ko I guess, pa-intense nang pa-instense yung mga istorya na ibibigay sa akin. Kaya super exciting.”

Tuloy-tuloy na ba ang pagbabalik niya sa pag-arte?

“Definitely, I could finally say na tuloy-tuloy na po. Of course, gusto ko na po bumalik sa acting scene and it’s really something I enjoy doing and I super miss doing,” sagot ni Nadine.

Kasama ni Nadine sa Greed sina Diego Loyzaga at Epi Quizon.