• Home
  • Fresh Scoops
  • Sunod-sunod na Kapamilya projects ang ginagawa ngayon ni Kaila Estrada bilang isang Star Magic Artist.

Kaila Estrada, pressured nga ba bilang ‘anak ni Janice’?

Sunod-sunod na Kapamilya projects ang ginagawa ngayon ni Kaila Estrada bilang isang Star Magic Artist.

Kaila Estrada, pressured nga ba bilang ‘anak ni Janice’?-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

03/12/2022 03:48 PM
Kaila Estrada, pressured nga ba bilang ‘anak ni Janice’?
Photo credit: @kailaestrada Instagram

Beyond grateful ngayon ang Kapamilya star na si Kaila Estrada sa sunod-sunod na acting projects na kaniyang ginagawa bilang isang Star Magic artist.

Isa si Kaila sa mga dapat abangan sa upcoming episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado, March 12, kung saan gagampanan niya ang life story ng former Pinoy Big Brother housemate na si Karen Bordador.


READ: Karen Bordador proud to have her life story featured on MMK: ‘It feels amazingly great!’

Bago pa man ang Maalaala Mo Kaya, una nang nagpakita ng kaniyang husay sa pag-arte si Kaila sa Kapamilya series na Viral Scandal kung saan ginagampanan niya ang role bilang si Raven Ramones.

Kaya naman, masaya ang Kapamilya star na mula sa pagiging model and influencer, tuluyan na niyang pinasok ang acting.

“I reached a point in my life where I wanted to find out what else I could do and step out of my comfort zone,” pahayag ni Kaila sa ipinadalang mensahe nito sa PUSH.

Patuloy niya; “Acting wasn’t something I really considered until I realized I was getting older tapos naisip ko ‘if not now, when?’ So I decided to give it a shot.”

Bilang anak ng mahusay na aktres na si Janice De Belen, thankful and grateful si Kaila sa guidance ng ina sa kaniyang pag explore sa acting projects.

READ: Janice De Belen, ‘napa-palakpak’ sa acting ng anak na si Kaila Estrada

“I feel so blessed and grateful to have very supportive parents. Si mama has always let me figure things out on my own so she doesn’t comment as much. But I know she’s proud of me,” sambit pa ni Kaila.

Award winning actress man ang kaniyang ina, no pressure aniya si Kaila na makumpara ang acting sa ina na itinuturing niya bilang isang legend.

“The pressure I feel doesn’t come from being ‘anak ni Janice’, because my mom is a legend and I have a long way to go to get even close to what she has accomplished,” ani Kapamilya star.

At kung ikukumpara man sa kaniyang ina, isa lang ang nais maging tugon ni Kaila sa comparison na kaniyang haharapin. 

“My journey is different from hers and the pressure really comes from myself. Because I want to do well and I want to grow in this industry,” pahayag pa ni Kaila.

Sa Sabado, March 12 mapapanood ang first part ng life story ni Karen Bordador starring Kaila Estrada sa longest running drama anthology ng ABS-CBN, Maalaala Mo Kaya.