• Home
  • Fresh Scoops
  • Proud nanay si Janice De Belen sa achievement ng kaniyang anak na si Kaila Estrada.

Janice De Belen, ‘napa-palakpak’ sa acting ng anak na si Kaila Estrada

Proud nanay si Janice De Belen sa achievement ng kaniyang anak na si Kaila Estrada.

Janice De Belen, ‘napa-palakpak’ sa acting ng anak na si Kaila Estrada -Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

03/12/2022 02:42 PM
Janice De Belen, ‘napa-palakpak’ sa acting ng anak na si Kaila Estrada

Proud nanay ngayon ang award-winning actress na si Janice De Belen sa tila pagsunod sa kanyang mga yapak ng kanyang anak na si Kaila Estrada.

Isa si Kaila ngayon sa mga aktibong Kapamilya star na unti-unting nagniningning sa larangan ng pag-arte. 

Una na dito ang kaniyang markadong role ni Kaila as Raven Ramones sa family oriented Kapamilya series na Viral Scandal.


Sa isang social media post ni Janice, tila siya mismo ay napa-wow sa acting ng anak nang minsan niya itong napanood sa Viral Scandal.

 

 

video courtesy @super_janice 

At ngayong sasabak bilang lead star ng life story ni Karen Bordador sa Maalaala Mo Kaya si Kaila, aminado si Janice na proud siya sa husay ng anak.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MMKOfficial (@mmkofficial)

READ: Karen Bordador proud to have her life story featured on MMK: ‘It feels amazingly great!’

“Siyempre I am the proudest.” pahayag ni Janice sa ipinadalang mensahe ng PUSH sa aktres.

“Actually nagulat din ako because siyempre early pa in her career. But when I watched her napa-palakpak ako because she did very well. But of course whatever the accomplishment of our children I will always be proud,” ani Janice.

At kahit award-winning actress, inamin ni Janice na tanging gabay lang sa mga anak ang kaniyang ibinibigay sa pinipili nitong mga karera.

“Hindi mo naman talaga maituturo ang pag-arte. Kaniya-kanya yan. I wanted her to learn it on her own,” sabi pa ni Janice.

Dagdag pa ng aktres, “Nerbyosa yan at overthinker. What I always tell her is to be vulnerable and be true to herself. I also told her that nobody expects her to be perfect at the first try, ang importante ay yung it gets better each time.”

Gaya ng maraming professional stars, isa lang rin ang payo ni Janice sa anak na tila sikreto rin aniya sa tagumpay bilang isang mahusay na aktres. “Dapat makinig sa director at magbasa ng script para hindi ka parang lutang pagdating sa set.”

Sa Sabado, March 12, mapapanood ang first part ng life story ni Karen Bordador starring Kaila Estrada sa longest-running drama anthology ng ABS-CBN na Maalaala Mo Kaya.