• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipagdiriwang ni Aubrey Miles ang kanyang ika-42 na kaarawan sa Boracay.

Aubrey Miles, ipapag-part time job ang mga anak; maninirahan sa Boracay ng isang buwan

Ipagdiriwang ni Aubrey Miles ang kanyang ika-42 na kaarawan sa Boracay.

Aubrey Miles, ipapag-part time job ang mga anak; maninirahan sa Boracay ng isang buwan-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

03/11/2022 09:43 AM
Aubrey Miles, ipapag-part time job ang mga anak; maninirahan sa Boracay ng isang buwan
Photo credits to @milesaubrey on Instagram

Gusto ni Aubrey Miles na mag-part time job ang kanyang mga anak habang nasa Boracay sila.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by AUBREY MILES (@milesaubrey)

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by AUBREY MILES (@milesaubrey)


Ito ay matapos siyang magdesisyon na pansamantalang lumipat sa Boracay kasama ang kanyang partner na si Troy Montero kasama ang kanilang mga anak. 

Nagdala ng anim na bagahe ang pamilya nina Aubrey at Troy para sa kanilang bakasyon. 

Ani Aubrey, birthday wish niya ang manirahan ng Boracay. Ipagdiriwang niya ang kanyang ika-42 na kaarawan ngayong ika-16 ng Marso. 

Aubrey Miles shares secret to lasting relationship with Troy Montero

“It’s my birthday month as well as my eldest son’s so we’re staying in Boracay for a month,” pagbabahagi ni Aubrey.

Pagbabahagi ni Aubrey, gusto nila ni Troy na maranasan ng kanilang mga anak ang buhay sa isla. At dahil malapit na umano ang pasukan, nagdesisyon silang gawin na ito ngayon. 

“We just want to show the kids how’s life around the island. We feel that school will be opening soon and this is our only chance,” ani Aubrey. 

‘Katas ng halaman’: Aubrey Miles shows off investment made from selling plants

Ani ng aktres, gusto niya umanong papasukin sa part-time work ang kanyang mga anak habang naninirahan ang mga ito doon sa isla. 

“I might ask the kids to work part time here,” ani Aubrey. 

Ilan sa mga activities na sinubukan na nila bilang isang pamilya ang pangingisda at parasailing.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by AUBREY MILES (@milesaubrey)

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by AUBREY MILES (@milesaubrey)

Samantala, excited na si Aubrey na magdiwang ng kanyang ika-42 na kaarawan. 

“Turning 42 next week. Do not regret growing older. It’s a privilege denied to many. One more thing, they say ‘Age gracefully, I also want to add on that. ‘Age carefully’. Take care of your mental health before anything else,” aniya.