• Home
  • Fresh Scoops
  • Narito ang ilan sa mga bansang narating na ng LizQuen together.

5 LizQuen international travel adventures | Pushpins

Narito ang ilan sa mga bansang narating na ng LizQuen together.

5 LizQuen international travel adventures | Pushpins-Push Team
BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

03/12/2022 10:00 AM
5 LizQuen international travel adventures | Pushpins
Photo credits to @lizasoberano on IG

Nine years ago, on March 13, 2013, unang napanood sa isang cameo role sa big screen sina Liza Soberano at Enrique Gil. 

Simula noon ay nakilala ang tambalang LizQuen at nagpatuloy ang pagpapakilig nila sa maraming projects na kanilang ginagawa hanggang ngayon. 

Mapa on-cam man o off-cam ay may kilig pa rin na dala ang LizQuen, gaya na lamang sa kanilang travel escapades sapagkat 'fave travel buddy' nila ang isa't isa. 


Sa selebrasyon ng ika-siyam na taon ng LizQuen bilang love team ay balikan natin ang kanilang mga naging travel destinations. 

Saan-saan ang mga ito? 

Let's find out.  

1.     Italy  

Taong 2016 nang magpunta sa Italy ang LizQuen para kuhanan ang ilang eksena sa kanilang teleserye na Dolce Amore.  

Habang nasa Italy ang dalawa para sa trabaho ay nakahanap din sila ng oras para mamasyal. 

Ilan sa mga pinasyalan ng LizQuen ay ang Grand Canal of Venice, Italy.  

Nagbahagi rin ang dalawa ng kanilang mga litrato habang nasa Fontana Di Trevi Roma. 

Kita rin ang pag-enjoy ng LizQuen habang kasama ang mga pigeon sa Piazza San Marco Venezia.

 

2.     Hawaii 

Magkasamang sinalubong ng LizQuen ang taong 2020 habang sila ay nasa Hawaii kasama ang kanilang mga pamilya. 

Sinimulan din i-launch ni Enrique sa pagpasok ng 2020 ang kanyang YouTube channel kung saan ang Hawaii trip nila ni Liza ang first content nito. 

Kita rin sa mga ibinahagi nilang litrato ang pag-e-enjoy nila sa beach sa Hawaii. 

Kasabay ng kanilang Hawaii trip ay ang ika-22 birthday ni Liza, kung saan magkasama silang sumakay ng cruise ship.

LOOK: Liza Soberano and Enrique Gil spend New Year’s Day in Hawaii

 

3.     Croatia 

Work and travel din ang naging experience ng LizQuen sa pagpunta nila sa Croatia.  

Ito ay para sa teleserye nilang Make It With You kung saan ginampanan nila ang karakter nina Gabo at Billy.  

Ilan sa mga pinasyalan ng LizQuen ay ang Pile Gate, at ang sikat na drinking fountain na Big Onofrio's Fountain. 

Kasama rin sa mga na-experience ng LizQuen sa Croatia ay ang Masqueron challenge at pamamasyal sa main street ng Dubrovnik. 

Pwede rin mapanood ang Croatia walking tour ng LizQuen sa Make It With You Plus channel ng Star Creatives sa YouTube.


 4.     Paris  

Sa Paris naman nag celebrate ng Christmas ang LizQuen noong 2017.  

Taong 2015 nang ibahagi ni Enrique sa isang interview na gusto niyang ipasyal si Liza sa Disneyland Paris noong 2016 para sa 18th birthday nito.  

Tinupad naman ito ni Enrique ng sumunod na taon at inilipad niya rin papuntang Paris ang buong pamilya nila ni Liza. 

Ayon kay Enrique ay all-expense paid niya ito at naka-VIP treatment ang lahat sa kanilang Disneyland experience. 

 

5.     Spain 

Sa kanilang two-week vacation sa Europe ay nagpunta rin ang LizQuen sa Spain upang salubungin ang New Year 2018.  

Ayon kay Enrique, isa ito sa pinakamemorable experiences niya dahil unang beses niyang ipinakilala si Liza sa kanyang pamilya sa Spain.  

Tuwang-tuwa rin umano ang lola ni Enrique kay Liza na masayang nakilala na niya ito.  

Dito rin ipinagdiwang ni Liza ang kanyang 20th birthday. 

Kasama rin ang buong pamilya ng aktres sa pagpunta nila sa Spain noong 2018.

READ: Liza Soberano, happy to meet Enrique Gil’s family in Spain

Tingnan ang mga travel adventures nila rito. 

Embed Pushpins episode  

 Kinilig din ba kayo sa mga travel adventures ng LizQuen?