• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa unang pagkakataon, naging bukas ang aktres na si Nikki Valdez tungkol sa pagkawala ng kanyang ‘embaby’ noong nakaraang taon.

Nikki Valdez, naging bukas sa pagkawala ng kanyang 'embaby'

Sa unang pagkakataon, naging bukas ang aktres na si Nikki Valdez tungkol sa pagkawala ng kanyang ‘embaby’ noong nakaraang taon.

Nikki Valdez, naging bukas sa pagkawala ng kanyang 'embaby'-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

03/10/2022 01:06 PM
Nikki Valdez, naging bukas sa pagkawala ng kanyang 'embaby'
Photo credits to @nikkivaldez_ on Instagram

Sa unang pagkakataon, naging bukas ang aktres na si Nikki Valdez tungkol sa pagkawala ng kanyang “embaby” noong nakaraang taon.

Sa Magandang Buhay, sinabi ni Nikki na bagamat ikinalungkot niya ang pangyayari, hindi niya pinagsisisihan ang desisyong sumubok na magka-anak ulit kasama ang asawang si Luis Garcia.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Alg Garcia (@hoyluisito)


"May times pa rin na I keep thinking to myself na sabi ko dapat ba ginawa namin 'yon or dapat ba hindi na lang? In-enjoy na lang namin kung ano ang mayroon kami? Because as everyone knows I am very blessed to have Luis in my life as may partner in raising Olivia whom he considers his from the very beginning," aniya.

Ayon pa sa aktres, talagang ipinagadasal nila ng kanyang asawa ang magkaroon muli ng anak. 

"Talagang pinagdasal namin 'yun. Pinag-usapan naming mabuti. And we felt that we were led to it. Everything, financially, emotionally. Sabi namin, 'Why don't we give it a try?' And last year naman kasi 'di ba, uso ang lock-in, so napa-plano mo lahat," aniya.

Aminado mang nasa "healing stage" pa rin siya, umaasa umano si Nikki na balang araw ay makaka-move on din siya sa nangyari.

"Ngayon na sa journey pa rin ako ng trying to pray for kung ano talaga ang path na gusto ni Lord na matahak ko. Let's say ito 'yung gusto ko, pero hindi naman 'yon ang purpose Niya for me, then so be it," sabi niya.

"Nasa healing stage pa ako. There's so many days na feeling ko hindi ko lang pinapansin. Pero ngayon, no regrets. At least sinubukan namin. Pero I pray for the total healing of my heart. At kung talagang si Olivia lang ang regalo sa amin ni Lord, I will accept it and I will forever and take care of Olivia, I mean kami ni Luis," dagdag pa niya.

Disyembre noong nakaraang taon nang unang ibinahagi ni Nikki ang pagkawala ng kanyang "embaby" sa kanyang post para sa ika-7 wedding anniversary nila ni Luis.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Alg Garcia (@hoyluisito)

Matatandaang Agosto 2018 nang ikinasal ang aktres sa kanyang mister sa Hong Kong, matapos ang mahigit tatlong taon bilang magkasintahan.