• Home
  • Fresh Scoops
  • Aga Muhlach says he’s going into ‘work mode’ while his kids are studying abroad.

Aga Muhlach on Arjo Atayde remaking his movie: ‘Ang galing niyang umarte talaga, mahusay siya’

Aga Muhlach says he’s going into ‘work mode’ while his kids are studying abroad.

Aga Muhlach on Arjo Atayde remaking his movie: ‘Ang galing niyang umarte talaga, mahusay siya’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/10/2022 02:00 PM
Aga Muhlach on Arjo Atayde remaking his movie: ‘Ang galing niyang umarte talaga, mahusay siya’

Ayon sa dating matinee idol at multi-awarded actor na si Aga Muhlach, mas gusto niyang gugulin ang kanyang lakas at panahon sa pagtatrabaho lalo pa nga’t nasa alert level 1 na ang Pilipinas at unti-unti nang bumabalik sa normal ang lahat.

“Right now medyo work mode talaga ako. I just wanna take advantage while the kids are not here. I just wanna work, really work and work,” simula ni Aga sa PUSH interview kasama ng ilang showbiz press sa virtual presscon ng Bida Kayo Kay Aga.

Patuloy niya, “May mga panahon kasi na minsan nagtatanong ka na gusto ko pa bang magtrabaho or ito ba talaga ang ano ko, ganyan-ganyan. And when you start taping, parang ito talaga yung pagkatao ko, eh.


“Artista talaga ako or mahilig talaga ako sa publiko. I like working with people. And I just hope it keeps on growing, keeps on growing.”

Babalik din daw si Aga sa paggawa ng pelikula anytime soon.

“May naka-line-up naman ako bago mag-pandemic, naka-set-up na yon so that’s gonna happen anytime but medyo may dumating sa akin na medyo big project siya as in super big.

“Kung saka-sakali kung matutuloy yon I will shoot this year but if not I will shoot next year na. Next year na ako gagawa ng pelikula para yung theaters at yung mga tao hindi na takot talagang pumasok sa sinehan,” kuwento ni Aga.

Aga Muhlach, hindi naging mahirap ang adjustment sa pag-aral ng mga anak sa ibang bansa

Nahingi rin ang reaksyon ni Aga sa remake ng pelikula niyang Sa Aking Mga Kamay noong 1996 na prinodyus ng Star Cinema mula sa direksyon ni Rory Quintos. This time ay ginawang The Rebirth of the Cattleya Killer ang title nito  na pinagbibidahan naman ni Arjo Atayde.

“Si Arjo is my inaanak. I’ve seen some of his shows na ginawa niya lalo na do’n sa Netflix and ang galing niya. Ang galing niyang umarte talaga, mahusay siya,” initial reaction ng mister ni Charlene Gonzalez.

“Kaya nga nung sinabing gagawin niya yon sabi ko by all means, bakit naman hindi? Sino naman ako para magsabing no, eh, hindi naman ako ang may-ari ng pelikulang yon but nakakatuwa naman na isang magaling na artista ang gumanap.

“Hindi naman nila kailangang humingi ng permiso sa akin. Nagsabi lang sila, nagbigay-pugay lang na gagawin yung pelikula. Sabi ko salamat, ang ganda naman, di ba?” masayang pahayag ni Aga.

Arjo Atayde, overwhelmed to recreate Aga Muhlach’s 1996 movie role in new international series

Puring-puri naman ng maraming kaibigan sa press ni Aga ang malaking pagbabago sa buhay niya simula nung maging pamilyadong tao siya at mapangasawa ang beauty queen na si Charlene Gonzalez. Kambal ang naging anak ng dalawa—sina Atasha at Andres na 21 years old na ngayon.

“Hindi ko sasabihing marriage ang nagpabago sa akin, but I think it’s just years of experience I think, and the little wisdom that I have right now. And siguro, it’s because of my age na rin kasi isa akong taong may pinagkatandaan.

“Hindi naman ako tumanda na basta nabubuhay lang. Bawat experience sa akin, bawat na-experience ko sa buhay I try to, actually not just try, I do my best to learn from it and correct the mistakes along the way, I think you try to perfect it but of course you cannot because you can never be perfect.

“I don’t wanna use the Lord’s name but it’s really God who… when you’re focus with him everything becomes okay. Para bang hiram lang talaga ‘tong buhay na ito so ang ano ko lang is to have fun, enjoy and share what you can share na yung kaya mo lang. Yon ang nagpabago sa akin talaga, eh,” paliwanag ng guwapo at magaling na aktor.