• Home
  • Fresh Scoops
  • Kasama ni Julia Barretto ang kanyang pamilya nitong nagdaang Valentine’s Day.

PANOORIN: Julia Barretto, piniling ipagdiwang ang Valentine’s Day kasama ang inang si Marjorie sa resort nila

Kasama ni Julia Barretto ang kanyang pamilya nitong nagdaang Valentine’s Day.

PANOORIN: Julia Barretto, piniling ipagdiwang ang Valentine’s Day kasama ang inang si Marjorie sa resort nila-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

03/01/2022 12:21 PM
PANOORIN: Julia Barretto, piniling ipagdiwang ang Valentine’s Day kasama ang inang si Marjorie sa resort nila
Photo credits to @Marjorie Barretto on Youtube

Pinili nina Julia Barretto na ipagdiwang ang Valentine’s Day ngayong taon kasama ang pamilya niya kabilang na ang kanyang ina na si Marjorie at mga kapatid. 

Gayunpaman, present din si Gerald Anderson. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by marjbarretto (@marjbarretto)


Sa nasabing vlog, makikita ang ginawang paghahanda ng pamilya Barretto para sa kanilang selebrasyon na ginanap sa kanilang family-owned resot na River Garden Guest House. 

Ani Marjorie ito ang unang beses na nagtipon-tipon ulit sila sa kanilang resort matapos ang mahabang panahon.

“It’s the first time my kids are coming back here again after a long time. I think Julia has not seen the River Garden for a long time. It has been only Claudia who has been here,” ani Marjorie. 

Masaya naman umano si Marjorie na pinili pa rin ng kanyang mga anak na sina Julia at Dani na ipagdiwang ang Valentine’s Day kasama ang pamilya kahit na may kaniya-kaniyang na silang partners sa buhay. 

Mom Marjorie, sister Dani happy for Julia Barretto

“I’m so grateful because my children still choose to spend Valentine’s with me,” ani Marjorie. 

Naghanda sila ng sinigang at lumpia shanghai para sa kanilang lunch at steak, cheese, wine, at cold cuts naman ang inihanda nila para sa kanilang dinner. 

Nagkaroon din ng cooking showdown sa pagitan ng asawa ni Dani na si Javi at si Julia para sa pinakamasarap magluto ng pasta. 

Panoorin ang video sa ibaba:

Samantala, naghanda din ng mga regalo si Marjorie para sa kanyang mga anak kabilang na ang partner ng kanyang anak na si Julia na si Gerald.