• Home
  • Fresh Scoops
  • Isa si Toni Gonzaga sa mga original host ng ‘Pinoy Big Brother’ noong nagsisimula pa lamang ito.

‘Voluntary Exit’ ni Toni Gonzaga bilang host, tinanggap ng PBB

Isa si Toni Gonzaga sa mga original host ng ‘Pinoy Big Brother’ noong nagsisimula pa lamang ito.

‘Voluntary Exit’ ni Toni Gonzaga bilang host, tinanggap ng PBB-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

02/09/2022 08:04 PM
‘Voluntary Exit’ ni Toni Gonzaga bilang host, tinanggap ng PBB
Photo credit to @celestinegonzaga Instagram

Sa pamamagitan ng isang statement, nagpahayag ng kanilang pagtanggap ang mga bumubuo ng Pinoy Big Brother sa pagbibitiw ni Toni Gonzaga bilang main host.

READ: Toni Gonzaga, exit na bilang host ng ‘Pinoy Big Brother’

“We respect the decision of Toni Gonzaga-Soriano to step down as main host of Pinoy Big Brother,” pahayag ng PBB sa kanilang Instagram post. 


Nirespeto rin ng mga bumubuo ng PBB ang 16 na taong pagiging host ni Toni na unang napanood noong 2005 kasama sina Mariel Rodriguez at Willie Revillame.

“Toni has been part of our reality show for 16 years and we thank her for helping bring the stories of our housemates to our viewers.”

Sa pagbibitiw ni Toni bilang main host, si Bianca Gonzalez naman ang hahalili sa naiwang trabaho ng TV host. 

Samantala, naglabas na rin ng kaniyang personal na pahayag si Toni kasunod ng kaniyang pagbibitiw bilang host.

READ: Toni Gonzaga, naglabas ng pahayag kaugnay sa pag-alis bilang host ng ‘PBB’

Kasunod nito, tila maraming espekulasyon naman ngayon ang umiikot kung bahagi pa rin nga ba ng Kapamilya network ang TV host na isa sa mga labis na minahal ng maraming Kapamilya viewers.