• Home
  • Fresh Scoops
  • Ikinagulat ng marami ang naging desisyon ng Kapamilya host na si Toni Gonzaga sa pagbibitiw nito bilang host ng ‘Pinoy Big Brother.’

Toni Gonzaga, exit na bilang host ng ‘Pinoy Big Brother’

Ikinagulat ng marami ang naging desisyon ng Kapamilya host na si Toni Gonzaga sa pagbibitiw nito bilang host ng ‘Pinoy Big Brother.’

 Toni Gonzaga, exit na bilang host ng ‘Pinoy Big Brother’-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

02/09/2022 04:25 PM
 Toni Gonzaga, exit na bilang host ng ‘Pinoy Big Brother’

Kasunod ng proclamation rally ng mga tatakbo para sa national election na gaganapin sa darating na Mayo 2022, nagpahayag ng kani-kanilang mga suporta ang maraming Pilipino para sa kanilang mga napupusuang kandidato.

Sa social media, mababatid ang mainit na balitaktakan ng karamihan na tila naging daan rin para ipahayag ng bawat isa ang kanilang suporta sa mga napipisil na kandidato para sa darating na halalan kung saan iluluklok ang bagong Pangulo ng Pilipinas.

Naging mainit rin sa mata ng netizens ang mga personalidad na dumalo sa iba’t ibang proclamation rally kabilang na ang TV host at aktres na si Toni Gonzaga na tumayong host sa proclamation rally ng UniTEAM, ang partido nila presidential aspirant Ferdinand Marcos Jr at Vice-Presidential aspirant na si Sara Duterte.


Si Toni ang nag-iisang host sa pormal na pagpapakilala ng UniTEAM sa mga kandidato sa kanilang partido na ginanap sa Philippine Arena sa harap ng libo-libong suporters ng Marcos-Duterte tandem.

Kasunod nito, umani ng iba’t ibang komento sa sa social media ang naging tila pagsuporta ng TV host sa partido kung saan bahagi si Sagip Party list Representative Rodante Marcoleta.

Si Marcoleta ay isa sa mga kongresista na nagsulong sa franchise denial ng ABS-CBN kung saan bahagi si Toni bilang isang contract artist. 

Dahil dito, umani ng iba’t ibang pahayag mula sa  netizens ang naging partisipasyon ng TV host sa naging proclamation rally.

Samantala, sa social media post ni MJ Felipe ng ABS-CBN News, sinabi nito na hindi na umano magiging bahagi ng Pinoy Big Brother si Toni kung saan siya ang main host at boluntaryong inendorso ni Toni si Bianca Gonzalez bilang kaniyang kapalit sa naiwang trabaho.

Sa ngayon, wala pang pormal na anunsyo ang management ng ABS-CBN sa naging pagbibitiw ni Toni bilang host ng Pinoy Big Brother.

Isa si Toni sa mga original host ng Kapamilya reality show na tinutukan ng marami sa loob ng maraming taon.