• Home
  • Fresh Scoops
  • Tinawag ni Toni Gonzaga na pinakamalaking karangalan ang maging host ng ‘PBB’ sa loob ng 16 na taon.

BASAHIN: Toni Gonzaga, naglabas ng pahayag kaugnay sa pag-alis bilang host ng ‘PBB’

Tinawag ni Toni Gonzaga na pinakamalaking karangalan ang maging host ng ‘PBB’ sa loob ng 16 na taon.

BASAHIN: Toni Gonzaga, naglabas ng pahayag kaugnay sa pag-alis bilang host ng ‘PBB’-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

02/09/2022 04:33 PM
BASAHIN: Toni Gonzaga, naglabas ng pahayag kaugnay sa pag-alis bilang host ng ‘PBB’
Photo credits to @celestinegonzaga on Instagram

Tuluyan nang namaalam si Toni Gonzaga bilang host ng reality show na Pinoy Big Brother.

Sa pahayag na inilabas ni Toni hapon nitong Miyerkoles, ika-9 ng Pebrero, sinabi nitong itinuturing niya bilang pinakamalaking karangalan ang pagiging host ng programa na tumatak sa maraming Pilipino. 


Matatandaang isa si Toni sa mga orihinal na hosts ng PBB. Si Bianca Gonzalez, na isa din sa pinaka matagal na hosts ng PBB, ay naging host pagkatapos nitong sumali sa pinaka-unang celebrity edition.

“It has been my greatest honor to host ‘PBB’ for 16 years,” ani Toni. 

Ani Toni, ang makita kung paano nagsimula bilang housemates ang ilan sa mga kasama niyang hosts sa programa hanggang sa makita kung paano nila narating ang kanilang kinalalagyan ngayon ang ilan sa mga hindi niya malilimutang sandali bilang host ng PBB.

Ilan sa mga hosts ng PBB ngayon na dating housemates sina Robi Domingo, Melai Cantiveros, Richard Juan, at Enchong Dee. 

“From witnessing all my co-hosts transition from housemates to PBB hosts are just some of the best moments in my life sa bahay ni Kuya,” ani Toni. 

Opisyal naman niyang inendorso ni Toni si Bianca bilang papalit sa kanyang tungkulin bilang main host ng programa. 

Toni Gonzaga on how she chooses projects nowadays: ‘I am done feeding my ego’

“Today, I’m stepping down as your main host. I know Bianca and the rest of the hosts will continue the PBB legacy,” saad ni Toni. 

Samantala, patuloy umano niyang pahahalagahan ang mga naging karanasan niya sa programa kabilang na ang pagsigaw nang kanyang hindi malilimutang  pagbati sa mga manonood ng nasabing programa. 

“It has been my privilege to greet you all with ‘Hello Philippines’ and ‘Hello World’ for the last 16 years,” ani Toni. 

“I will forever cherish the memories, big nights, and moments in my heart. Thank you Kuya for everything,” dadgag pa niya. 

“This is your angel, now signing off,” pamamaalam ni Toni. 

Sa ngayon, wala pang inilalabas si Toni sa tunay na dahilan ng kanyang pag-alis sa show.