• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinorpresa ni Neri Naig ang asawa niya na si Chito Miranda ng isang yate sa kaarawan nito.

TINGNAN: Neri Naig, niregaluhan ng yate si Chito Miranda sa kanyang kaarawan

Sinorpresa ni Neri Naig ang asawa niya na si Chito Miranda ng isang yate sa kaarawan nito.

TINGNAN: Neri Naig, niregaluhan ng yate si Chito Miranda sa kanyang kaarawan-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

02/08/2022 09:33 AM
TINGNAN: Neri Naig, niregaluhan ng yate si Chito Miranda sa kanyang kaarawan
Photo credits to @mrsnerimiranda on Instagram

Maraming humanga sa wais na misis na si Neri Naig matapos ibahagi sa social media na binilhan niya ng yate ang kanyang asawa na si Chito Miranda para sa kaarawan nito. 

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Neri ang kanyang ginawang pagsorpresa kay Chito. “Happpppy birthday, baby ko! Surpriiiise!” bungad ni Neri sa caption ng kanyang post. 


Inihalintulad ni Neri ang kanilang nabiling yate sa isang speed boat ngunit mas malaki umano ito dahil may kwarto, sala, at banyo ito. 

“May maliit na kaming yate. Parang pinalaking speed boat lang, pero may bedroom, mini sala, at banyo hehe!” ani Neri. 

Dagdag pa niya, makakapangisda na sila kasama ang kanilang pamilya at mga malalapit nilang kaibigan. 

“Tamang tambay lang sa dagat with our family and friends. Maganda rin mag-fishing kasi mahilig kami mag-fishing!” aniya. 

Neri Naig and Chito Miranda mark 7th wedding anniversary

Samantala, sinabi naman ni Neri na sisimulan din nilang iparenta sa ibang tao ang kanilang yate upang makabawi-bawi umano sa ginastos nila. 

“Siyempre bilang wais na misis, ipaparent din namin to soon! Para makabawi-bawi naman kahit paano hahaha! Buti nalang may mga business partners ako dito hehe!” ani Neri. 

Ayon pa kay Neri, nagdesisyon silang pangalanan itong Margarita na dapat sana’y pangalan ng kanilang bunsong anak kung naging babae ito. 

“Anong name ng yate? Siyempre, ‘Margarita’! Since hindi girl ang naging baby namin, dito na lang namin ipinangalan, hehe!” ani Neri. 

Ipinagdiwang ng Parokya Ni Edgar frontman na si Chito Miranda ang kanyang ika-46 na kaarawan noong Pebrero 7.