• Home
  • Fresh Scoops
  • Excited na si Yeng Constantino na matapos ang ipinapagawang bahay sa kanyang farm sa Quezon.

PANOORIN: Yeng Constantino, ipinasilip ang ipinapatayong bahay sa kanyang farm

Excited na si Yeng Constantino na matapos ang ipinapagawang bahay sa kanyang farm sa Quezon.

PANOORIN: Yeng Constantino, ipinasilip ang ipinapatayong bahay sa kanyang farm-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

02/07/2022 05:20 PM
PANOORIN: Yeng Constantino, ipinasilip ang ipinapatayong bahay sa kanyang farm
Screenshot from Yeng Constantino YouTube Channel

Ipinasilip ng Kapamilya singer na si  Yeng Constantino sa kanyang bagong vlog ang bahay na ipinapatayo nila ng kanyang asawa na si Yan Asuncion. Ang farm nila ay matatagpuan sa probinsya ng Quezon. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Yeng Constantino (@yeng)

Ani Yeng, madalas silang bumisita sa Quezon dahil doon naninirahan ang kanyang ama at kanyang kapatid na si Cookie. 


“Palagi akong bumibisita dito sa aming farm para bisitahin ang aking ama at ang kapatid kong si Cookie ay nandito na,” ani Yeng. 

Dahil dito, nagdesisyon sina Yeng at Yan na magpatayo na ng bahay doon. “Since lagi na kami nandito sa farm ni Yan, nagpapatayo na kami ng bahay dito,” saad ni Yeng. 

Sa nasabing vlog, ipinakilala din ni Yeng si Mang Fred na siyang gumawa ng kanilang mga pinapaupahang apartment, bahay ng kanyang ama, pati na ang resort nila sa Zambales. 

“Du’n actually ‘yung stairs going up. ‘Yan ‘yung stairs paakyat pero since wala pang stairs, dito muna tayo sa likod. Nandu’n ‘yung access [papunta du’n],” saad ni Yan habang tinuturo ang daan kung paano makakarating doon sa ipinapagawa nilang bahay. 

WATCH: Yeng Constantino, humarap sa magkakasunod na heartaches | PUSH Daily

“Ito na guys ang porma ng aming house,” proud na pagbabahagi ni Yeng sa kanyang mga tagahanga. 

Samantala, malungkot namang ibinahagi ni Yeng na kinailangan nilang putulin ang maraming puno para lamang maipatayo ang mga bahay nila. 

“Ang dami naming pinutol na puno dito kasi delikado pala talaga ang buko kapag ika’y nalaglagan. Trivia, mas marami pa daw napapatay ang buko kaysa pating taon-taon. So kapag nalaglagan ka ng buko, biyak talaga ang bungo mo,” ani Yeng. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Yeng Constantino (@yeng)

“Anim na puno ang pinutol namin dito. Medyo heartbreaking nga kasi nu’ng nabili namin ito, nandito na sila. Medyo nakiki-emphatize din kami sa mga puno but we had to cut them para sa aming safety,” dagdag pa nito. 

Ibinahagi din ni Yeng na nagtanim din sila ng mga puno ng niyog at mahogany para mas mapagtibay pa ang bundok kung saan nila tinayo ang bahay. 

“Since nagagawi kami dito sa part ng aming farm, nakita namin na kulang nang mga punong kahoy dito. Ang mga nakikita lang namin dito mga coconut trees at mangilan-ngilang punong-kahoy,” saad ni Yeng. 

READ: Yeng Constantino marks 15th year in showbiz

“Pero to make the mountain stronger, para walang maging landslide, prinepara na rin namin ang mga mahogany. Isang daang mahogany ang tinanim namin dito,” dagdag niya. 

Bagama’t hindi pa buo, excited na silang matapos ang pagpapagawa ng bahay na aniya’y baka matapos na ngayong Marso. 

“Skeleton pa lang. Hindi pa buo. Pero we’re very excited. Sabi ni Mang Fred baka mga Marso po no?” aniya. 

Panoorin ang video sa ibaba: 

Nais naman ni Yeng magtanim ng cacao at kape sa kanyang farm.

Ibinahagi din ni Yeng na nagbebenta sila ng saging mula sa farm na niluluwas ng kanyang ama sa bayan.

Plano namang magpatayo ng maliit na pavilion kung saan maglalagay sila ng bilyaran.