• Home
  • Fresh Scoops
  • Para kay, below-the-belt ang pagtawag kay Angelica Panganiban na ‘starlet’ lalo pa’t marami na umano itong napatunayan.

Cristy Fermin, dumepensa kay Angelica Panganiban; hindi papayag na tawagin itong ‘starlet’

Para kay, below-the-belt ang pagtawag kay Angelica Panganiban na ‘starlet’ lalo pa’t marami na umano itong napatunayan.

Cristy Fermin, dumepensa kay Angelica Panganiban; hindi papayag na tawagin itong ‘starlet’ -Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

02/07/2022 03:01 PM
Cristy Fermin, dumepensa kay Angelica Panganiban; hindi papayag na tawagin itong ‘starlet’
Photo credits to @iamangelicap on Instagram

Umalma ang batikang showbiz commentator na si Cristy Fermin matapos tawagin ng mga netizens si Angelica Panganiban na isa umanong “starlet.” 

Nitong mga nakaraang araw, usap-usapan ang naging viral na video ni Angelica na inilabas ng youth group na Young Public Servants.


Umani ito ng iba’t-ibang reaksiyon dahil sa makabuluhang mensahe na may halong hugot tungkol sa buhay pag-ibig. 

Ngunit hindi ito nagustuhan ng ilang netizens dahil malaman umano ang dala nitong mensahe at tila may pinaparinggan ang aktres. Dahil dito, may ilang netizens na binash si Angelica at tinawag itong “starlet.”

Kaya naman agad na dumepensa si Cristy Fermin na hindi nakapagpigil sa naging pahayag ng mga netizens. 

"Ito ang pinakamatindi, tinatawag siyang starlet... Ang tawag sa kanya, isa siyang starlet na nagpapa-pansin,” ani Cristy sa kanyang programa sa One PH. 

Angelica Panganiban | PUSH Evolution

Hindi umano siya sang-ayon sa mga ganitong pahayag dahil marami na umano itong napatunayan sa kanyang karera bilang artista kabilang na rin ang mga awards na napanalunan nito.

“Ako naman, hindi naman ako sang-ayon na tawaging starlet si Angelica Panganiban, andami na rin naman niyang nagawang pelikula na talaga namang naghakot ng pera para sa kanyang produksyon,” aniya. 

"Maliit pa lamang si Angelica Panganiban, nagpakita na ng galing sa pag-arte, at marami siyang nagawang pelikulang tumatak at nagkaroon pa nga ng award,” dagdag pa nito. 

Ang ngayo’y 35 anyos na artista ay nagsimula sa showbiz sa edad na 6 at lumabas na sa iba’t-ibang pelikula at programa ng Kapamilya network sa loob ng halos tatlong dekada.