• Home
  • Fresh Scoops
  • May pasabog si Ogie Diaz tungkol sa relasyon nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga.

Barbie Imperial, lagi umanong nasa bahay ni Diego Loyzaga; napagsabihan ni Teresa Loyzaga?

May pasabog si Ogie Diaz tungkol sa relasyon nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga.

Barbie Imperial, lagi umanong nasa bahay ni Diego Loyzaga; napagsabihan ni Teresa Loyzaga?-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

02/07/2022 04:16 PM
Barbie Imperial, lagi umanong nasa bahay ni Diego Loyzaga; napagsabihan ni Teresa Loyzaga?
Photo credits to @diegoloyzaga on Instagram

May pasabog na chismis si Ogie Diaz tungkol sa relasyon nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga: napagsabihan umano ng ina ni Diego na si Teresa Loyzaga ang aktres dahil sa napapadalas na pagtambay nito sa bahay nila.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Diego (@diegoloyzaga)

Hindi pa rin makaget-over ang mga netizens sa hiwalayan nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga. Ito ay dahil marami na ang naging invested sa relasyon ng dalawa na talaga namang sinubaybayan ng maraming fans. 


Matatandaang sinabi ni Barbie sa kanyang panayam sa TV Patrol na umere noong Biyernes, ika-5 ng Pebrero, na uunahin muna niya ang “self-love” ngayon. Inamin din dito ni Barbie na marahil nasa kanya ang mali. 

Barbie Imperial confirms breakup with Diego Loyzaga: ‘Love yourself para matapang ka’

Ngunit may nakapagsabi umano kay Ogie Diaz na isang source na malapit sa kanya na nakakasakal umano na karelasyon ang aktres. Ito ay dahil lagi umanong nakatambay si Barbie sa bahay ni Diego noong nasa Pilipinas pa ito, sey ni Ogie sa kanyang YouTube channcel na “Ogie Diaz Showbiz Update.” 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Diego (@diegoloyzaga)

“Kasi medyo nakakasakal din daw itong si Barbie Imperial, sabi sa akin ng source ko," saad ni Ogie. "Na nung si Diego raw ay naririto pa, wala pa sa U.S., eh talaga raw laging nasa bahay ni Diego si Barbie. Binabantayan si Diego,” dagdag pa nito. 

Matatandaang lumipad si Diego noong nakaraang buwan lamang papuntang US na ikinagulat ng maraming fans lalo pa’t hindi niya kasama si Barbie sa kanyang pag-alis. 

Samantala, napagsabihan din umano ng ina ni Diego na si Teresa Loyzaga tungkol sa napapadalas na pagtambay noon ni Barbie sa bahay nila. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Diego (@diegoloyzaga)

“Iha, wala ka bang ibang gagawin, baka may iba ka pang trabaho… parang gano’n. So in short, parang gusto na siyang pauwiin. Kasi nga nandoon sa…. nakababad sa bahay nila,” ani Ogie.