• Home
  • Fresh Scoops
  • May isang Pinay na bahagi ng sikat na Korean series na ‘All Of Us Are Dead.’

Pinay, bahagi ng Korean series na ‘All Of Us Are Dead’

May isang Pinay na bahagi ng sikat na Korean series na ‘All Of Us Are Dead.’

Pinay, bahagi ng Korean series na ‘All Of Us Are Dead’ -Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

02/06/2022 09:33 AM
Pinay, bahagi ng Korean series na ‘All Of Us Are Dead’
Photo credit: @joyce_in_korea Instagram

Hindi maikakaila na isa sa pinakasikat na palabas ngayon sa Netflix ang All Of Us Are Dead. Pero alam niyo bang may isang Pinay na bahagi ng nasabing zombie thriller? 

Usap-usapan ngayon sa social media ang Pinay na aktres na si Noreen Joyce Taburnal Guerra na gumaganap bilang isa sa mga mag-aaral sa sikat na series. 


Tubong Roxas City sa Capiz si Noreen Joyce. Labis namang ikinatuwa ng kanyang mga kababayan nang malaman na bahagi ito ng pinag-uusapang series ng Netflix. 

Ngunit hindi ito ang unang beses na napanood sa isang K-Drama ang nasabing Pinay na aktres. 

LOOK: Netflix puts up ‘All Of Us Are Dead’ billboards with Pinoy high school memes

Lumabas na ito sa iba’t-ibang sikat na K-Dramas gaya ng A Love So Beautiful, True Beauty, Extraordinary You, at The King: Eternal Monarch.

Marami namang netizens ang nainggit kay Noreen Joyce nang malaman nila na nakatrabaho na niya ang ilan sa mga malalaking pangalan sa South Korea gaya nina Song Hye-kyo, Park Bo-gum, at Cha Eun-woo.

Samantala, may ilan namang netizens ang bumilib kay Noreen Joyce nang malaman na nagtatrabaho din ito bilang isang manager sa isang financial company sa naturang bansa. 

Masaya naman si Noreen Joyce na sa wakas ay lumabas na ang Netflix series na kinunan umano dalawang taon na ang nakalilipas. 

Sa ngayon, mayroon nang higit 28,000 na followers si Noreen Joyce sa Instagram. 

Ang All Of Us Are Dead ay kwento ng mga mag-aaral na nakulong sa isang paaralan sa kalagitnaan ng isang zombie outbreak.