• Home
  • Fresh Scoops
  • Tiyaga lang umano ang sikreto ni Jodi Sta. Maria sa kanyang tinatamasang tagumpay ngayon.

Jodi Sta. Maria, nagbebenta ng popcorn noon; 1,500 lang ang talent fee

Tiyaga lang umano ang sikreto ni Jodi Sta. Maria sa kanyang tinatamasang tagumpay ngayon.

Jodi Sta. Maria, nagbebenta ng popcorn noon; 1,500 lang ang talent fee-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

02/06/2022 08:59 AM
Jodi Sta. Maria, nagbebenta ng popcorn noon; 1,500 lang ang talent fee
Screenshot from Karen Davila YouTube Channel

Binalikan ni Jodi Sta. Maria ang kanyang buhay noon bago siya magsimula sa showbiz pati na ang naging buhay niya nang pasukin niya na ang mundong kinabibilangan niya ngayon. 

Sa panayam ni Jodi kay Karen Davila, ibinahagi nito na bagama’t mahiyain siya ay hilig niya ang mag-perform para sa maraming tao — dahilan para mapansin siya ng isang talent scount. 


“Ano lang ako … typical school girl na mahiyain. Pero sobrang love ko ang pagpeperform. And then pagdating ko ng high school, we were just having lunch —  me and my friends — may lumapit sa aming talent scout. Nagbigay siya ng card, mag-audition daw kami,” ani Jodi. 

LOOK: Jodi Sta. Maria and son Thirdy enjoy a beach vacation in Boracay

Simula noon, naging suki na si Jodi ng mga go-see o ang pag-a-audition sa mga commercials. 

“Pumunta kami ng go-see for commercials. So pumupunta kami ng pumupunta pero wala talaga kaming project na nakukuha. Kasi I think napaka-specific ng hinahanap nila for a commercial, hind ba? And then I said, ‘Okay na ako, at least natry ko, baka hindi ako para diyan,’” ani Jodi. 

Bagama’t hindi pinalad sa mga commercials, sinubukan niya ang kanyang swerte sa pagiging artista nang mag-audition bilang bahagi ng Star Magic

“And then tumawag na naman siya sabi niya na may pa-audition ang ABS-CBN looking for people to audition for the new batch of Star Circle 7. I’m like ‘Sige try ko.’ Nagpunta kami doon, nagbus kami. Pagdating doon,‘Oh my gosh ito na ‘yung ABS-CBN!’ Ito pala itsura niya,” ani Jodi. 

“Pero noong time na ‘yun, kung hindi man ako matanggap, okay lang. Ang gusto ko lang makakita man lang ako ng artista,” dagdag pa niya. 

Ani Jodi, umaabot lamang ng 1,500 ang kanyang talent fee noong nagsisimula pa lamang siya bilang artista. 

LOOK: Jodi Sta. Maria, son Thirdy go white water river tubing in Antique

“Nagtiyaga, Karen. Kasi nun’ng time na ‘yun kasi I remember ang pinakaunang talent fee ko is 1,500 pesos. Before, kapag pupunta ka ng shoot, bitbit mo lahat. Bibigyan ka nila ng requirements. So, kami ni Mama, kung ano lang ang mayroon dito, kasi wala naman kami maraming clothes, eh,” ani Jodi. 

“Kasi let’s say sumweldo si Mama, ‘Oh ito lang ang budget natin. Oh ito lang ang bibilhin natin. Oh hindi pa sira ang sapatos so hindi kailangan bumili ng bago,’” pagbabahagi pa niya. 

Samantala, ibinahagi din ni Jodi ang kanyang buhay bago niya pasukin ang showbiz at sinabing nagbebenta siya ng popcorn sa kanyang paaralan noong bata pa siya.  

“We were raised singlehandedly by my mom pero my Lola has always been there na naging supportive kay Mama. So, it was just me, my Kuya, my Lola, and my mom,” ani Jodi. 

“Tapos doon sa pagiging raketra sa school, nagbebenta kami ng popcorn. Kasi dun namin kinukuha ‘yung pangbaon namin. So, 4 a.m. gigising si Mama, gagawa siya ng parang butter, ng brown sugar, tapos may candle para pangclose ng plastic tapos ibebenta namin per pack ng twenty pesos ‘yan,” pagpapatuloy pa niya. 

Natatawang ikinuwento naman ni Jodi ang kanyang naging karanasan nang ipahinto ng paaralan ang negosyo nila ng kanyang ina matapos umanong mapansin na nagiging kakompetensiya na sila nito. 

“One day, pinatigil ‘yung amin small business kasi nakakomptensya na namin ‘yung canteen sa school,” sambit ni Jodi.