• Home
  • Fresh Scoops
  • Patuloy ang pagpapagaling ni Diether Ocampo matapos maaksidente.

Diether Ocampo, nagsalita na: ‘I have already been cleared to recuperate in private’

Patuloy ang pagpapagaling ni Diether Ocampo matapos maaksidente.

Diether Ocampo, nagsalita na: ‘I have already been cleared to recuperate in private’-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

02/05/2022 06:47 PM
Diether Ocampo, nagsalita na: ‘I have already been cleared to recuperate in private’
Photo credits: @campodiethero on Instagram

Nagsalita na si Diether Ocampo sa unang pagkakataon mahigit isang araw matapos ang aksidenteng kinasangkutan nito sa lungsod ng Makati Biyernes ng madaling araw, ika-4 ng Pebrero. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Star Magic (@starmagicphils)

Paliwanag ni Diether, pauwi na siya galing sa isang meeting nang mangyari ang nasabing aksidente. 


“On February 3, 2022, I had a long and exhausting meeting which last until almost midnight. As I was driving home, I figured in a vehicular accident involving my SUV and a truck,” ani Diether. 

Bagama’t walang nasawi, humingi pa rin ng paumanhin si Diether kaugnay sa nangyari. 

“I am relieved that no one else got hurt and I apologize for any inconvenience I may have caused due to the unfortunate accident, especially to the other party,” saad ni Diether. 

Ayon kay Diether, nagtamo lamang siya ng konting bukol at galos sa katawan. 

“I am extremely grateful that I emerged unscathed except for a bump in the head and some bruises. I am very thankful for God’s continuous mercy and protection,” ani Diether.

BASAHIN: Pahayag ng Star Magic kaugnay sa kalagayan ni Diether Ocampo

Nagpasalamat din siya sa lahat ng tumulong at rumesponde kabilang na ang mga miyembro ng Philippine Red Cross. 

“Thank you sincerely to everyone onsite, from the people who called for help, the first responders, and especially to the Philippine Red Cross personnel who rushed me to the hospital,” sambit ni Diether. 

Nagpasalamat din ito sa mga doktor ng Makati Medical Center na aniya’y inaalagan siya. Pinayagan na din umano siyang makauwi at patuloy na magpagaling sa bahay. 

READ: Diether Ocampo, wasak ang sasakyan sa isang aksidente; isinugod sa ospital

“I also wish to express my gratitude to the doctors, nurses, and staff at the Makati Medical Center for taking very good care of me. I am feeling better now and I have already been cleared to recuperate in private,” saad niya.

“Again, I wish to thank everyone for your prayers and well-wishes,” dagdag pa niya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Star Magic (@starmagicphils)

Nauna nang naglabas ng pahayag ang Star Magic nitong Biyernes kaugnay sa nangyari.