• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi napigilan ng komedyante at host na si Melai Cantiveros ang sagutin ang isang netizen na ininsulto ang kanyang anak.

Melai Cantiveros, bumwelta sa basher na ininsulto ang kanyang anak

Hindi napigilan ng komedyante at host na si Melai Cantiveros ang sagutin ang isang netizen na ininsulto ang kanyang anak.

Melai Cantiveros, bumwelta sa basher na ininsulto ang kanyang anak-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

02/04/2022 02:38 PM
Melai Cantiveros, bumwelta sa basher na ininsulto ang kanyang anak
Photo credits to @mrandmrsfrancisco on Instagram

Hindi napigilan ng komedyante at host na si Melai Cantiveros ang sagutin ang isang netizen na ininsulto ang kanyang anak.

Sa Instagram, isang screenshot ang ibinahagi ni Melai kung saan tinawag ng isang netizen ang kanyang anak ng pangit.

"Epal mo din e ano. Wag mo nga i-ship si Kyle (Echarri) kay Chie (Filomeno), anak mo nga ang pangit," ani ng basher, na tila fan ng aktres na si Francine Diaz.

Sa kanyang caption, nagbanta si Melai na ipapahanap at idedemanda niya ang netizen dahil sa sinabi nito tungkol sa kanyang anak. 

"Humanda ka. Papahanap ko sa NBI account mo. Mahahanap kita at dedemanda kita sa sinabi mo sa anak ko. Ako sabihan mo okay lang 'wag ang anak ko. Kahit itlog ka, kahit mag-deactivate ka. Alam ko fan ka ni Francine, mahahanap kita," ani Melai.

Gayunpaman, sinabi ni Melai na nakapag-usap na sila ng netizen at humingi na rin ito ng tawad sa kanya. 

"Ito na nga, closure ng basher serye ng hapon ko. Ngayon nag-reach out naman siya at marami sinasabi, na hindi naman ako maniwala na hindi siya nag-comment nun. Pero siyempre sino ba ako para 'di mapakinggan ang side niya at 'di siya mapatawad," aniya. 

Ayon kay Melai, sana ay magsilbi na itong leksyon para sa lahat na mas maging maingat sa pagbitaw ng salita at matutong rumespeto sa opinyon ng iba. 

"Hayan, maging lesson 'yan na 'wag basta magpadala sa feelings tapos pipindot na lang na 'di inaalam kung may mahu-hurt ka ba na damdamin. Matuto tayo rumespeto ng tao. Respeto is the key para sa matiwasay na buhay. Kung 'di mo gusto ang sinasabi ng ibang tao, irespeto mo and let's mind our own business. At last, magpatawad at magmahalan," aniya.

Samantala, humingi rin ng tawad ang host sa aktres na si Francine dahil nadamay pa ang pangalan nito sa isyu.

"Pasensiya ka na bebe at nadamay name mo dito. Alam kong maiintindihan mo naman kung saan ito nanggagaling," aniya.

Mayroong dalawang anak si Melai sa mister nito na si Jason Francisco —  sina Amelia Lucille at Stela Rosalind.

Melai Cantiveros at Jason Francisco, ipinagdiwang ang kanilang 8th wedding anniversary

Napapanood si Melai bilang host ng ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay.