• Home
  • Fresh Scoops
  • Hanggang ngayon ay hindi pa rin handa si Janella Salvador na magpakasal sa kanyang partner na si Markus Paterson.

Janella Salvador, bakit ayaw pa rin magpakasal?

Hanggang ngayon ay hindi pa rin handa si Janella Salvador na magpakasal sa kanyang partner na si Markus Paterson.

Janella Salvador, bakit ayaw pa rin magpakasal?-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

02/04/2022 02:34 PM
Janella Salvador, bakit ayaw pa rin magpakasal?
Photo credits to @superjanella on Instagram

Hanggang ngayon ay hindi pa rin handa si Janella Salvador na magpakasal sa kanyang partner na si Markus Paterson. 

Sa panayam ni Ogie Diaz na inilabas sa YouTube nitong Miyerkoles, Pebrero 2, sinabi ng aktres na marami pa silang kailangan paghandaan ni Markus bago sila tuluyang mag-settle down.

"Markus and I siguro are still... siyempre gusto ko pag nagpakasal kayo, sobrang sobrang okay ang lahat. Stable ka, financially, emotionally, lahat," ani Janella.

"Ngayon meron pa kami siyempreng mga... we're still learning new things about each other and how we are as parents. So hindi pa namin iniisip 'yung, 'Pakasal na tayo.' Wala pa."

Bukod dito ay nais pa rin umano nilang mag-focus sa kanilang anak na si Jude Trevor. 

"Siguro ever since I gave birth, lalo na ako, 'yung atensyon ko talaga na kay Jude halos. Pero siyempre nag-uusap pa rin kami. We're under one roof, we're still okay, we're talking. Pero talagang sa parenting kami nagfo-focus," aniya. 

Gayunpaman, sinabi ni Janella na goal pa rin niya ang pagpapakasal para sa kanilang dalawa ni Markus.

"Ako kasi I date to marry. So if I'm dating someone, ayaw ko 'yung... parang anong point, magde-date ka tapos you're not trying to see if siya na talaga 'yun?" aniya. 

"If he doesn't think the same way, walang point. Parang feeling ko, we are just wasting our time kapag magde-date ka tapos hindi 'yun 'yung end goal mo."

Janella Salvador thanks Markus Paterson for being a ‘present, hands-on’ father

Sa parehas na panayam, inamin din ni Janella na mayroon pang mas ima-mature si Markus.

"I can see naman na he's really inspired din to be a good person. He's a good person naman, he has a good heart. Don't get me wrong. Pero siyempre meron pa siyang ima-mature," ani Janella.

"[But] I can see naman na he wants to grow and mature na rin. Lalo na't feeling ko na-inspire din siya kay Jude."

Pagbabahagi pa ng aktres, sa kanilang pagsasama sa iisang bubong ay marami umano siyang nadiskubre tungkol sa kanyang partner.

"Siyempre now that we've been staying together, marami rin akong napansin sa kanya na ugali niya, and I'm sure marami rin siyang napansin sa akin. Ayaw ko naman siyang siraan, so hindi ko na ime-mention kung ano. Pero meron, may ganun,” pag-amin ni Janella.

"Pero okay naman kami. We're okay naman."

Enero noong nakaraang taon nang ginulat nina Janella at Markus, na parehas 23, ang publiko sa kanilang rebelasyon na may anak na sila.

Halos tatlong taon nang magkasintahan ang dalawa. Nakatakda silang magdiwang ng kanilang third anniversary itong darating na Marso.