• Home
  • Fresh Scoops
  • Wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ni Diether Ocampo kaugnay sa naturang insidente.

Diether Ocampo, wasak ang sasakyan sa isang aksidente; isinugod sa ospital

Wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ni Diether Ocampo kaugnay sa naturang insidente.

Diether Ocampo, wasak ang sasakyan sa isang aksidente; isinugod sa ospital  -Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

02/04/2022 03:47 PM
Diether Ocampo, wasak ang sasakyan sa isang aksidente; isinugod sa ospital
Photo credits to @campodiethero on Instagram

Sugatan ang aktor na si Diether Ocampo matapos maaksidente madaling araw ng Biyernes, ika-4 ng Pebrero. 

Ito ay matapos bumangga ng kanyang minamanehong sasakyan sa isang dump truck.


Base sa ulat ng ABS-CBN News, wasak ang sasakyan ni Diether. Nangyari ang nasabing insidente sa kahabaan ng Osmeña Highway sa lungsod ng Makati.

Ayon sa isang Bantay Bayan mula sa Barangay Pio Del Pilar sa panayam sa programang Unang Balita, nakainom umano si Diether nang mangyari ang insidente.

Diether Ocampo returns to acting in new teleserye ‘Huwag Kang Mangamba’

Wala naman umanong iba pang nagtamo ng sugat sa nasabing aksidente. 

Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ni Diether kaugnay sa naturang insidente. 

Samantala, agad namang isinugod si Diether sa isang ospital matapos rumesponde ang mga taga Philippine Red Cross.