• Home
  • Fresh Scoops
  • Kasalukuyang nagpapagaling si Diether Ocampo sa ospital kung saan ito dinala kasunod ng aksidenteng kinasungkatan nito.

BASAHIN: Pahayag ng Star Magic kaugnay sa kalagayan ni Diether Ocampo

Kasalukuyang nagpapagaling si Diether Ocampo sa ospital kung saan ito dinala kasunod ng aksidenteng kinasungkatan nito.

BASAHIN: Pahayag ng Star Magic kaugnay sa kalagayan ni Diether Ocampo -Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

02/04/2022 09:32 PM
BASAHIN: Pahayag ng Star Magic kaugnay sa kalagayan ni Diether Ocampo
Photo credit to @campodiethero Instagram

Naglabas na ng pahayag ang talent management arm ng ABS-CBN na Star Magic kaugnay na kalagayan ngayon ng aktor na si Diether Ocampo.

Ito ay kasunod ng kanyang kinasangkutang aksidente Biyernes ng madaling araw, ika-4 ng Pebrero.

Ani ng Star Magic, patuloy na nagpapagaling si Diether ngayan sa ospital kung saan siya dinala matapos mawasak ang kanyang sasakyan sa nasabing aksidente. 


READ: Diether Ocampo, wasak ang sasakyan sa isang aksidente; isinugod sa ospital

“Diether Ocampo is currently recovering in the hospital following a vehicular accident this morning,” saad ng Star Magic sa naturang pahayag. 

Dagdag pa ng Star Magic, humihingi sila ng mas marami pang panalangin para sa tuloy-tuloy at mas mabilis na paggaling nito. 

“We appreciate everyone’s concern and ask for prayers for his speedy recovery,” ani ng Star Magic. 

Tingnan ang pahayag ng Star Magic sa ibaba: 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Star Magic (@starmagicphils)

Taong 1993 nang maging bahagi si Diether ng Star Magic. Matapos ang halos 23 taon, pansamantalang nilisan ng aktor ang kanyang tahanan at pumirma ng kontrata sa ibang network. 

Makalipas lamang ang dalawang taon, muling nagbalik sa pangangalaga ng Star Magic si Diether.

Ang pelikulang Ang TV: The Movie ang kauna-unahang pelikula kung saan napanood si Diether. 

Sa loob ng mahigit dalawang dekada, napanood si Diether sa iba’t-ibang hindi malilimutang teleserye gaya ng Mula sa Puso, Rubi, Sabel, at Guns and Roses.

Samantala, huli naman itong napanood sa telebisyon sa seryeng Huwag Kang Mangamba.