• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan nina Aleck Iñigo at Kathleen Agir.

‘PBB’ housemates na sina Aleck at Kathleen, nagkainitan: ‘Mind your own business’

Nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan nina Aleck Iñigo at Kathleen Agir.

‘PBB’ housemates na sina Aleck at Kathleen, nagkainitan: ‘Mind your own business’-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

02/03/2022 04:22 PM
‘PBB’ housemates na sina Aleck at Kathleen, nagkainitan: ‘Mind your own business’

May namuong tensyon sa pagitan ng mga housemates na sina Aleck Iñigo at Kathleen Agir sa kalagitnaan ng kanilang weekly task. 

Habang nakikipag-usap kay Big Brother kasama sina Seham Daghlas at Kathleen, hindi napigilan ni Aleck na sabihin sa huli ang pagiging magulo ng itinala nito sa kanyang mga hawak na papel.


Hindi naman ito nagustuhan ni Kathleen, dahilan para sabihan niya si Aleck ng “mind your own business.” 

“Don't compare it to this one, ‘cause I have a different way of doing it. I have my own system,” sey ni Kathleen. 

Sa confession room, kinompronta ni Kathleen si Aleck at sinabihang hindi niya nagustuhan ang pagkumpara nito sa mga sistema ng dating task leader na si Isabel Laohoo.

Laking gulat naman parehas nina Aleck at Seham matapos makita ang reaksiyon ni Kathleen.

READ: KILALANIN: Ang apat pang housemates sa adult edition ‘Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10’

Kaya naman kinonsulta ni Aleck ang guest housemate na si Glenda Victorio at ibinuhos ang kanyang saloobin sa sa mga nangyari kasunod nito. 

Nang lapitan na ni Aleck si Kathleen, nagkaroon muli nang tensyon dalawa. Muling pinagpilitan ni Kathleen na mayroon siyang sariling sistema, bagay na nilinaw ni Aleck. 

“Sorry if na-compare kita. Sana ma-take mo rin ’yung ibang ginagawa ng bosses kasi kami ang dami na naming napagdaanan,” ani Aleck. 

Sa huli, humingi ng tawad ang dalawa sa isa’t-isa at nagkaayos din.