• Home
  • Fresh Scoops
  • Isa umanong malaking blessing para kay KD Estrada ang kapwa singer at ‘Pinoy Big Brother’ housemate niya na si Alexa Ilacad.

KD Estrada, itinuturing na blessing si Alexa Ilacad

Isa umanong malaking blessing para kay KD Estrada ang kapwa singer at ‘Pinoy Big Brother’ housemate niya na si Alexa Ilacad.

KD Estrada, itinuturing na blessing si Alexa Ilacad-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

02/03/2022 02:11 PM
KD Estrada, itinuturing na blessing si Alexa Ilacad
Photo credits to @kdestrada_ on Instagram

Isa umanong malaking blessing para kay KD Estrada ang kapwa singer at Pinoy Big Brother housemate niya na si Alexa Ilacad.

Sa PUSH Bets Live, nagkwento si KD tungkol sa espesyal na pagkakaibigan nila ni Alexa na nagsimula noong pumasok sila sa pamosong Bahay ni Kuya. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by kayds (@kdestrada_)


"Actually, I'd say that Alexa is my best friend talaga. 'Yung samahan sa loob ng bahay, hindi talaga namin in-expect. I didn't expect that me and Alexa will have a lot of things in common. And specially 'yung condition namin, that we both experienced anxiety and depression din. So we were there for each other as a support, we were there for each other for our mental health din," aniya.

"We just gave genuine and pure and unconditional love to each other and I'm always thankful for that. Si Alexa talaga is top of my blessings this year," dagdag niya.

Bukod kay Alexa, naging bukas din si KD tungkol kay Anji Salvacion at ang naging paghaharap nila na talagang pinag-usapan ng netizens.

KD Estrada, tanggap na friends lang sila ni Anji Salvacion

"Actually, super surprise sa akin 'yan. Kasi I was just playing the guitar with Kyle (Echarri) and Benedix (Ramos) in the dining room then Anji called my attention just to talk. And then ayun, she gave me that talk. Of course, hindi ko masasabi na I didn't feel anything. Of course, I felt a bit hurt. Naturally," aniya.

"Apparently it got viral. I didn't know that it got viral at all. But ayun nga, while I was talking with Anji in the bedroom, napansin ko nga 'yung camera, naka-turn sa akin bigla. Sabi ko, 'Oh god, okay. This is going to be recorded. Or Kuya is listening talaga.'"

Maging si KD ay aminado na mukha umanong scripted ang naging komprontasyon nila ni Anji dahil sa mga salitang binitawan nila.

"Yung sa bedroom, I was just speaking from the heart lang talaga. 'Yung mga tao, they thought, like, 'Grabe pala 'tong monologue.' It felt scripted talaga, when I saw the scene. But I would say that's just pure and raw emotion in me," aniya.

"In a way, I'm a bit thankful din that it happened because people got to see how smart I am with monologues. [laughs] Parang scripted talaga. I was, like, 'Oh, I said all of this? We said all of these pala? Wow, I didn't think that I could say that.'"

Sa huli, tiniyak ni KD na nananatili silang mabuting magkaibigan ni Anji.

"With me and Anji right now, we're good naman. We're civil. We're friends," aniya.

Samantala, nagpasalamat din si KD sa lahat ng mga nanood at sumuporta sa matagumpay na "By Request" session nila ni Alexa, na umabot sa higit 100,000 viewers sa Kumu.

"Masasabi ko lang, grabe. Kasi wow, that's a super big number for Kumu. A 100k? I've never heard of that number coming up in any live stream so far, so it's just nice kasi 'yung live din is for a cause. It's for the victims of Bagyong Odette, so it's nice din na me and Alexa, we were able to help kahit papaano," ani KD.

"For the netizens naman na nag-enjoy sa live, we're happy na we gave you fun and kilig moments. Ayun po. Me and Alexa did have lots of fun."

Bukod dito ay nagpasalamat din ang singer sa kanyang mga tagahanga na patuloy na sumusuporta sa kanya.

"Masasabi ko lang na grabe talaga kayo, I love you guys so much and I did not expect na we would grow this family together. But we did and I'm thankful for that talaga. So I hope you guys, wala kayong sawa sa support and I promise, wala rin akong sawa sa pag-thanks sa inyo, sa pag-acknowledge sa inyo because without you guys I wouldn't be in this level right now. So thank you to all my fans," aniya.