• Home
  • Fresh Scoops
  • Kilalanin si Noreen Joyce Guerra, ang Pinay na aktres na nakilala sa kanyang pagganap sa sikat na Netflix Korean series na ‘All of Us Are Dead.’

Pinay na kasama sa 'All of Us are Dead', nagbigay ng tips para sa nais ding maging aktor sa Korea

Kilalanin si Noreen Joyce Guerra, ang Pinay na aktres na nakilala sa kanyang pagganap sa sikat na Netflix Korean series na ‘All of Us Are Dead.’

Pinay na kasama sa 'All of Us are Dead', nagbigay ng tips para sa nais ding maging aktor sa Korea-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

02/28/2022 02:18 PM
Pinay na kasama sa 'All of Us are Dead', nagbigay ng tips para sa nais ding maging aktor sa Korea
Photo credits to @joyce_in_korea on Instagram

Nagkwento ang Pinay na si Noreen Joyce Guerra tungkol sa kanyang journey bilang isang aktres sa Korea. 

Ayon kay Noreen, na unang nakilala sa kanyang pagganap sa sikat na Netflix series na All of Us Are Dead, sinubukan niya ang pag-arte matapos niyang makapag-aral at makakuha ng degree sa Korea.

"I've been living in Korea for six years. I came here as a student and after my degree, I started working and now I'm doing acting on the side," ani Noreen sa kanyang panayam sa PUSH Bets Live.


"Back in the Philippines actually I was a volunteer at the Korean Cultural Center and from there I met a lot of people from the industry," kwento pa niya. "When I came to Korea, I got to reconnect with them, and they introduced me to several part-time jobs related to the industry. While doing that, I met producers and directors, [who] told me to try on-cam gigs. So yeah, I tried it and right now I'm still doing it."

Bukod sa pagiging aktres ay nagta-trabaho rin si Noreen bilang full-time manager sa isang financial firm sa Korea.

"Basically I do my full-time job during the weekdays and I do acting and filming on the side during weekends normally. Or holidays. Part-time talaga siya," aniya.

Ayon kay Noreen, nagsimula ang kanyang pagmamahal sa K-drama noong nakatira pa siya sa Pilipinas. Aniya, ang 2011 na series na Dream High ang nag-inspire sa kanya para umalis ng bansa at manirahan sa Korea.

"Back in the Philippines, I was actually a drama fan. So I watched this drama, Dream High, and it was because of that drama that I dreamed of coming to Korea," kwento niya.

Sa kanyang mga naging proyekto bilang aktres, ilan umano sa mga hindi malilimutan ni Noreen ay ang kanyang pagganap sa K-drama na True Beauty, All of Us Are Dead, at The Smile Has Left Your Eyes.
  
"Memorable 'yung 'True Beauty' and ito nga, 'All of Us Are Dead' kasi doon ako nakilala. And of course, 'yung first appearance ko sa K-drama which is 'The Smile Has Left Your Eyes,' since 'di pa ako marunong mag-Korean that time. Most of my roles actually are Korean so I have to blend with Korean people," ani Noreen.

Pagdating naman sa kanyang mga hindi malilimutang K-drama actors, ilan sa mga nabanggit ni Noreen ay sina Moon Ga-young, na nakatrabaho niya sa True Beauty, at Kim Soo-hyun, na bida sa mga  sikat na series na My Love from the Star at It's Okay to Not Be Okay.

"Hindi ko makakalimutan siguro... my favorite actresses like Moon Ga-young and So Yoo-jin because even back in the Philippines I was a fan of them. And 'yung sa drama na 'Dream High', 'yung ibang actors doon, I met personally through being sa mga K-dramas nila like Kim Soo-hyun, Ok Taecyeon," aniya. 

Sa programa, nagkwento rin si Noreen tungkol sa kanyang karanasan bilang extra sa All of Us Are Dead, ang Netflix Korean zombie series na sumikat Enero nitong taon.

Pinay, bahagi ng Korean series na ‘All Of Us Are Dead’

"We actually filmed it two years ago, back in 2020. It was summer and it was very hot. Like 35 degree celcius and we were wearing winter uniforms. So lahat kami pawis na pawis... But yeah, since 'yung mga kasama namin ay mostly high school students, fun, very light environment. Parang nag-fieldtrip lang kami," aniya.

Kwento pa ni Noreen: "Memorable moment ko siguro is 'yung super aga naming gumising. The call time was 2 or 3 in the morning because we have to travel four hours away from Seoul, to get to the school, 'yung Hyosan High School. 'Yun 'yung pinaka-memorable all throughout kasi we have to wake up every day [nang maaga]."

Sa huli, nagbigay si Noreen ng kanyang tips para sa mga kapwa Pilipino na nais ding subukan na maging aktor sa Korea.

"If you want to really come to Korea to do this background acting thing, be prepared financially kasi hindi niya maco-cover 'yung expenses mo in living here in Korea. So you have to have a full-time job or back up finances," aniya.

"Of course you have to learn the language. Language is a very important thing in order to work here in Korea," dagdag niya.

Panoorin ang kanyang buong panayam dito: