• Home
  • Fresh Scoops
  • Bukod sa mga bagong candidates, pasok rin ang mga returning at crossover beauty queens.

KILALANIN: Top 50 candidates ng 2022 Miss Universe Philippines

Bukod sa mga bagong candidates, pasok rin ang mga returning at crossover beauty queens.

KILALANIN: Top 50 candidates ng 2022 Miss Universe Philippines -Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

02/28/2022 05:13 PM
KILALANIN: Top 50 candidates ng 2022 Miss Universe Philippines

Simula na ng bakbakan ng mga nag gagandahang Pinay para magiging susunod na kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe stage.

Nitong Lunes, February 28, inilabas na ng Miss Universe Philippines sa kanilang social media page ang Top 50 candidates na nakapasa sa screening ng Miss Universe Philippines committee.


Ilan sa mga pasok sa top 50 ay ang returning candidate na si 2020 Miss Universe Philippines third runner up Pauline Amelinckx ng Bohol. 

Bukod sa returning candidate, pasok rin sa top 50 ang crossover beauty queens na sina Julia Saubier mula sa 2019 Binibining Pilipinas, Michelle Dee na kinoronahan bilang 2019 Miss World Philippines, Katrina Llegado mula sa 2019 Reina Hispano Americana, at Celeste Cortesi na kinatawan ang Pilipinas sa Miss Earth 2018.

From returning candidates at crossover beauties, mainit rin na inaabangan ang bagong candidates na sina Jona Sweett representing Aklan, Ghenesis Latugat ng Baguio, Bianca Mae Awatin ng Batangas Province, Chantal Schmidt ng Cebu City, Lou Dominic Picson from Cebu Province, Anabelle McDonnell ng Misamis Oriental, at Angelica Lopez ng Palawan.

Sa statement ng Miss Universe Philippines sa kanilang Facebook page, hindi pa final ang top 50 candidates. From top 50 down to top 30 ang magiging final candidates na maglalaban laban sa Miss Universe Philippines coronation night na to be announced soon.

Si Beatrice Luigi ng Cebu City ang reigning Miss Universe Philippines na magpapasa ng korona sa 2022 Miss Universe Philippines.