• Home
  • Fresh Scoops
  • Naging emosyonal ang ina ni Ivana Alawi sa sorpresa nito para sa kanya.

PANOORIN: Ivana Alawi, sinorpresa ang kanyang pamilya ng bagong bahay at lupa

Naging emosyonal ang ina ni Ivana Alawi sa sorpresa nito para sa kanya.

PANOORIN: Ivana Alawi, sinorpresa ang kanyang pamilya ng bagong bahay at lupa-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

02/28/2022 06:05 PM
PANOORIN: Ivana Alawi, sinorpresa ang kanyang pamilya ng bagong bahay at lupa
Screenshots from Ivana Alawi YouTube Channel

Muli na namang pinatunayan ni Ivana Alawi kung gaano niya kamahal ang kanyang pamilya matapos nitong tuparin ang kanilang pangarap na magkaroon ng sariling bahay at lupa.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)

Sa kanyang pinakabagong vlog, ipinasilip ni Ivana ang nangyari sa likod ng sorpresa na nagpaantig sa puso ng maraming netizens. 


Ani Ivana, pangarap niya na ito para sa kanyang pamilya maliit pa lamang siya kaya naman pinaghandaan niya ito ng todo. 

READ: Ivana Alawi in disbelief over surprise video greeting from ‘crush’ Joshua Garcia

“Pinaghandaan ko ito for so many years, ever since I was five years old. Nung five years old ako, naalala ko sinasabihan ko si Mama noon, ‘Ma, kapag nagkapera ako pagtanda ko, ikaw 'yung una kong bibilihan ng bahay.’ Tuwang tuwa siya,” ani Ivana. 

Masaya naman si Ivana na naibigay niya na ang susi sa kanyang regalo na produkto umano ng kanyang pagsusumikap.

“Nung binili ko itong lupa na ito, hindi ko sinsabi sa nanay ko na sa kanya ito. Ang surprise talaga, it’s for Mona and for Mama. Si Mona kasi siya 'yung tumulong sa akin kung bakit ako nandito sa YouTube,” aniya. 

READ: Ivana Alawi celebrates 15 million YouTube subscribers

Dagdag pa niya: “She’s so supportive ever since. Never siya humingi ng kahit ano. Kapag ako nagtratrabaho sa mga shoots ko, sa vlogs, lagi kong nagiging inspirasyon na mapatayo itong bahay.”

Panoorin ang video sa ibaba: 

Bago ibinunyag ni Ivana ang sorpresa, prinank muna niya sina Mona at ang kanyang ina.

Hindi na bago ang pagprank sa pamilya nila ngunit labis na ikinatuwa ni Mama Alawi nang malaman na totoo ito.

Kamakailan lang ay ipinagdiwang ni Ivana ang pagkakaroon ng 15 million subscribers sa YouTube.