PANOORIN: Heart Evangelista, sumabak sa street food challenge

Game si Heart Evangelista na kumain ng fishball sa kalye.

PANOORIN: Heart Evangelista, sumabak sa street food challenge -Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

02/27/2022 03:07 PM
PANOORIN: Heart Evangelista, sumabak sa street food challenge
Photo credit: @iamhearte Instagram

Matapos sumabak sa sari-sari store challenge kung saan pumunta siya sa isang tindahan at namili ng mga Pinoy snacks, hindi inayawan ni Heart Evangelista ang isa na namang challenge mula sa mga netizens. 

Sa isang Instagram video, ipinakita ni Heart ang kanyang pagsabak sa street food challenge kung saan kumain siya ng mga paboriting tusok-tusok ng mga Pilipino.


Aminado naman si Heart na nahirapan sila maghanap nang mabibilhan ng street food. 

PANOORIN: Heart Evangelista, nag-shopping sa isang sari-sari store

“Where are we gonna find street food?” tanong ng kapatid ni Heart na si Camille Ongpauco. 

“There’s street food everywhere. Kaya nga street food eh,” sagot ni Heart sa kanyang kapatid. 

Biro pa ni Heart, sa tagal nilang naghahanap ay maaabutan pa umano sa panganganak ang kanyang kapatid.  

READ: What is Heart Evangelista's biggest fear?

“Tagal namin maghanap ha. Wala talaga. Manganganak na kapatid ko, wala pa rin kami mahanap,” ani Heart. 

“So so good,” saad ni Heart nang matikman ang fishball na may sauce. 

Bumili din sila ng ice cream sa isang tao na naglalako nito.  “It’s a party. Fiesta ‘to,” ani Heart. 

Panoorin ang video sa ibaba: 

Malaki naman ang pasasalamat ni Heart na sinabing masaya siya sa tinanggap niya ang challenge mula sa netizens. 

“Thank you for making me do this. We all had so much fun.”