• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayon kay Julia Barretto, ang direktor at ang script ng ‘Bahay na Pula’ ang napa-oo sa kanya sa project.

Julia Barretto, aminadong si Brillante Mendoza ang dahilan kung bakit siya pumayag gumawa ng horror film

Ayon kay Julia Barretto, ang direktor at ang script ng ‘Bahay na Pula’ ang napa-oo sa kanya sa project.

Julia Barretto, aminadong si Brillante Mendoza ang dahilan kung bakit siya pumayag gumawa ng horror film-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

02/27/2022 12:15 PM
Julia Barretto, aminadong si Brillante Mendoza ang dahilan kung bakit siya pumayag gumawa ng horror film
Photo credit: @juliabarretto and @brillante_mendoza Instagram

First horror film ni Julia Barretto ang Bahay na Pula ng Viva Films na mula naman sa direksyon ng internationally acclaimed filmmaker na si Brillante Mendoza. Takot si Julia na gumawa at manood ng mga horror movies kaya ibinahagi ng aktres ang dahilan kung bakit napapayag siyang gawin ang pelikula.

“I’m really scared of horror if I’m being honest. And the only thing that really made me say yes to this film was Direk Brillante, one, and second is just how beautiful the story is and the history behind the story and injected into the story,” rason ng dalaga.

Bukod daw sa napakalaki ng tiwala niya sa direktor ng Bahay na Pula ay malaking factor din daw na sina Marco Gumabao at Xian Lim ang  kasama niya sa cast para hindi siya matakot na gawin ang mga eksena sa naturang horror film.


WATCH: Julia Barretto stars in horror film 'Bahay Na Pula'

Ani Julia, “You know what, at the end of the day, it’s about trusting your director and trusting yourself. And I think the reason why I trusted myself in the process of creating this film was that everybody on the set trusted me. So I think isa yon na malaking factor kung bakit nagawa namin yung mga kailangan naming gawin.

“The day before pitching,  just the day before pitching, they told me that Direk Brillante wanted to pitch a project to me. I knew right there and then that it was a yes. I didn’t know the story, I had no idea it was horror, I had zero clue, but I knew it was a yes.

“I told Direk, sabi ko, ‘My whole career I vowed to myself, na hindi ako gagawa ng horror,’ ganun ako ka-matatakutin. But you know, God really has ways of making you do things that you don’t expect to do, and I think He put me in the situation where I couldn’t say no to Direk Brillante and this horror film,” dagdag niyang paliwanag.

LOOK: Julia Barretto wows in new hairstyle

Napanood na ni Julia ang Bahay na Pula sa ginanap na Vivamax screening nito sa isang sinehan at ayon sa kanya masaya siya at overwhelmed sa kinalabasan ng pelikula.

“Unang-una, when we did the presscon right after the screening I was really nervous for some reason. I think because it was the first time na humarap ulit sa press after two years. Parang hindi na ako sanay na nakakaharap kayo.

“I remember when the film started, kahit na alam ko naman yung mga eksena, kahit alam ko naman yung mga pangyayari kinu-cover ko pa rin yung  eyes ko because you really never know what to expect with Direk and true enough I thought I knew the film as a whole but ang daming mga na interject don na mga eksenana talagang gives you a complete and whole understanding of what this movie is all about and what it’s really trying to tell  sa moviegoers.

“I do agree that this is really a wild experience if you watch it on the big screen… I really love the film actually. I like the treatment and the way the story was told. I was scared but aside from being scared  it is an experience amdit was so well done by Direk ang ganda ng pagkakagawa. And I keep telling him na we’ve got to make one more film  kasi nabitin ako sobra.

“I’m happy, I’m very happy that I did this. I think it was a major turning point in my life,” pagmamalaki ni Julia.

Ang Bahay na Pula is a story about a couple who is about to experience the fright of their lives after moving to anew home. Streaming na ngayon ang pelikula sa Vivamax.