• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayon kay Diego Loyzaga, ang puso niya ay nasa ‘right place’ sa ngayon.

Diego Loyzaga, umiiwas pa din sagutin kung bakit sila naghiwalay ni Barbie Imperial

Ayon kay Diego Loyzaga, ang puso niya ay nasa ‘right place’ sa ngayon.

Diego Loyzaga, umiiwas pa din sagutin kung bakit sila naghiwalay ni Barbie Imperial-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

02/27/2022 12:39 PM
Diego Loyzaga, umiiwas pa din sagutin kung bakit sila naghiwalay ni Barbie Imperial
Photo credit: @diegoloyzaga Instagram

Nakabalik na ng bansa ang aktor na si Diego Loyzaga pagkatapos ang halos isang buwang pagbabakasyon sa  Amerika. Kaagad siyang humarap sa showbiz press sa digital mediacon sa Adarna Gang pero halatang umiiwas pa rin siya na pag-usapan ang dahilan ng hiwalayan nila ni Barbie Imperial.

Ani Diego, nabago ang ilan sa mga plano niya  for the year 2022 sa personal at showbiz career niya at nakatulong daw ang kanyang maikling bakasyon sa Amerika para i-reassess ang kanyang mga priorities  sa buhay.

Ayon kay Barbie sa isang interbyu, bago pa man matapos ang 2021 ay naghiwalay na sila ni Diego. Pero never namang nag-elaborate siDiego tungkol dito.


“I’m loving my job. I’m loving my career. I just had the best vacation of all time. It was so good. I had plans prior to 2022, but in life, not everything goes according to plan,” tanging pahayag ng aktor sa interbyu.

Patuloy ni Diego, “I had to reassess. I had to see where I wanted to go again now that things have changed. What am I going to do? What am I working for right now? What am I doing all these for?

“What is my one-year plan, two-year plan, five-year plan? Where will I want to be? The US gave me a set of new eyes. Now I know what I want to do. What I’m saving up for. It was just very nice, very refreshing for me.”

READ: Diego Loyzaga on going to the US for the first time: ‘I think I’ve found a home in this place!’

Nang muling usisain tungkol sa totoong estado ng kanyang buhay at puso ngayon aniya parehong nasa right place ang puso at utak niya.

“My mind is in the right place. My heart is in the right place,” pagdidiin ng aktor.

Iginiit din ni Diego ang kahalagahan ng self love na siya raw ginagawa niya ngayon sa kanyang sarili. 

“I’m a very happy guy. Everything is great. Self-love is very important. Always love yourself first.

“I feel like I’m the new me, although physically, right now, I’m kind of sick. I guess it’s the jet lag and I have colds,” sabi pa niDiego.

READ: Barbie Imperial talks about ending relationships: ‘Hindi ako yung mabilis mag-give up na girlfriend’

Ang Adarna Gang ang latest project ni Diego sa Vivamax na kamakailan lang ay naging bahagi rin ng pelikulang The Wife. Isa ang aktor sa masusuwerteng artista na hindi nawawalan ng project sa Viva. At dahil magagaling ang co-actors niya sa Vivamax movie like JC Santos, Ronnie Lazaro, Mark Anthony Fernandez, Coleen Garcia at marami pang iba kaya ginawa raw niyang inspirasyon ang husay sa pag-arte ng amang si Cesar Montano.

“Am I doing it like him or should I do something different? I should do it like I feel I should do it. If lumabas ang Cesar Montano,  eh, di lumabas. That’s not surprising. I’m his son.

“This is not intense action that you see in my dad’s films. Working with the people in this movie, I had to be alert, aware at all times. Kung hindi, kakainin ako ng mga kasama ko sa eksena,”  pahayag pa ni Diego.

Anyway, huling nagkasama sina Diego at Barbie sa hugot film na Dulo na idinirek ni Fifth Solomon kung saan super sweet pa silang umattend ng celebrity screening sa Fishermall Cinema. May nakatakda pa sanang next project ang ex-couple sa Viva Films pero dahil sa nangyari sa dalawa ay malamang na hindi na ito matuloy.