• Home
  • Fresh Scoops
  • Idinetalye ni Coleen Garcia ang mga pagbabago sa kanyang comeback project.

Coleen Garcia, balik-pelikula sa ‘Adarna Gang’

Idinetalye ni Coleen Garcia ang mga pagbabago sa kanyang comeback project.

Coleen Garcia, balik-pelikula sa ‘Adarna Gang’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

02/27/2022 11:17 AM
Coleen Garcia, balik-pelikula sa ‘Adarna Gang’
Photo credit: @coleen Instagram

Pagkatapos ang pansamantalang pamamahinga sa showbiz after magpakasal kay Billy Crawford at maging isa mom ay balik-acting na ulit si Coleen Garcia. Mapapanood si Coleen sa action-drama movie ng Vivamax directed by internationally acclaimed filmmaker na si Jon Red.

Ayon kay Coleen nahirapan siyang mag-decide kung babalik siya agad sa pag-arte dahil one year-old pa lang ang first baby nila ni Billy na si Amari.

Ani Coleen, “Before this, I was telling myself, ikakasal na ako at magkaka-baby na ako, siguro kailangang piliin ang mga roles.  


“Sobrang tagal ko nang hindi gumawa ng pelikula, not just because of having the baby, but also because of the pandemic. Sa tagal kong nawala, sobrang na-miss ko at excited ako to be back and be part of really good stories.”

Inamin din ng aktres na binalak niya noon na magkaroon ng restrictions sa roles sa mga pelikulang gagawin dahil nga mom na siya pero nag-iba raw ang isip niya.

“What I said before na hindi ko gagawin, I gave myself restrictions. 

“I am more willing to give what is needed for me to every story that I will be taking on. Yes, I will still carefully choose the roles because I don’t want to be a part of something that I will not be all in. Dapat kung pipili ng project, todo bigay talaga. I have to pick the projects I believe in, para mabigay ko lahat,” katwiran pa niya.

LOOK: Coleen Garcia shares nursing photo with son Amari

Kasama ni Coleen sa Adarna Gang ang magagaling na mga aktor tulad nina Mark Anthony Fernandez, JC Santos, Ronnie Lazaro at iba pa kaya raw ay hindi maiwasang medyo na-intimidate siya sa mga co-stars niya.

Pag-amin ng aktres, “Ang tagal ko kasing nagpahinga. Ang puro alam ko lang magluto, mag-change ng diapers. Nakalimutan ko kung paano ang gagawin ko in front of the camera.

“If the role was emotional, nakalimutan ko how to be emotional. Nakalimutan ko kung paano maging malungkot o kung paano magalit. Those were all things that refreshed me again at kailangan kong hukayin sa sarili ko. I think that was very challenging for me.

“Wala akong naging warm-up. I really had to go back into acting to just prepare from home. Then, when I arrived on the set to just give everything I had.”

Dagdag pa niya, “All of them had recent projects. Na-intimidate ako talaga at the start. But at the end of the day, they were all approachable and very nice. We were just all laughing and enjoying while we were shooting. That was a huge help for me. Si Direk (Jon), talagang he really guided all of us.

“Talagang hindi ako confident at first. But direk always listened to me. I told him what my plans were for certain scenes. That was very reassuring.”

READ: ‘My big boy’: Coleen Garcia’s son Amari gets his first haircut

Bukod sa talaga raw life changing ang pagiging isang ina ay sinisigurado rin ni  Coleen na si Amari ang kanyang top priority kahit bumalik na siya sa pag-arte.

“The reason hindi ganoon kabilis ang paggawa ko ng films ngayon, it’s really because of him. Talagang inuuna ko siya. I cook for him every day. It’s very different. The sleep, every time, I don’t have more than two hours straight.

“Billy goes to work also, so I’m more often with Amari. Maka-mommy talaga siya, very clingy. Everything I plan, it’s all for him and he’s taken into consideration every single time. If I can say it in the shortest, possible way, having a baby is definitely life-changing for me,” paliwanag ni Coleen.

Samantala, sa Adarna Gang ay gaganap si Coleen bilang Adriana na maghihiganti sa pagkamatay ng kanyang tatay.

“My character in Adarna Gang, there were lots of emotions. There’s greed, there’s vengeance. These were emotions na opposite ‘yung nararamdaman ko in life.

“The challenge was to completely forget where I am at right now in my life and to be able to bring out the heavy emotions. Maybe that was where I was really challenged. I really love the role,” sabi pa ni Coleen sa role niya sa pelikula na mapapanood Vivamax sa March 11.