• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi ni Arnel Pineda na may mga na-scam ang isang Facebook page na nagpapanggap umano bilang siya.

Arnel Pineda, binalaan ang netizens tungkol sa kanyang poser na nang-iiscam

Ibinahagi ni Arnel Pineda na may mga na-scam ang isang Facebook page na nagpapanggap umano bilang siya.

Arnel Pineda, binalaan ang netizens tungkol sa kanyang poser na nang-iiscam  -Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

02/25/2022 10:04 AM
Arnel Pineda, binalaan ang netizens tungkol sa kanyang poser na nang-iiscam
Photo credits to @arnelpineda2007 on Instagram

May babala ang international artist at Pinoy pride na si Arnel Pineda tungkol sa kanyang poser o taong nagpapanggap bilang siya na nang-iiscam o nanloloko ng ibang tao. 

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng Journey frontman na nakarating sa kanya na ginagamit ng isang Facebook page ang kanyang pangalan upang makapanghuthot ng pera. 


“It has been brought to our attention that there is a person claiming to be me asking for money. They are a fraud,” ani Arnel. 

Saad pa ni Arnel, imposible umanong siya ito lalo pa’t hindi siya basta-basta na nakikipagchat sa ibang tao o nagbibigay ng kanyang numero para lamang makapanloko sa ibang tao sa mga bagay na may kaugnayan sa pera.

Arnel Pineda dedicates new song for COVID-19 frontliners
https://push.abs-cbn.com/2020/6/11/fresh-scoops/arnel-pineda-dedicates-new-song-for-covid-19-front-27988

“I don’t private chat nor give [my] phone number to solicit money,” ani Arnel. 

Paglilinaw pa ni Arnel, ang kanyang non-profit charity organization na matatagpuan sa Quezon City ay pinapatakbo lamang niya sa Pilipinas at wala umanong iba pang opisina sa labas ng bansa.  

“#ArnelPinedsfoundationInc operates solely within the Philippines with no outside affiliations,” aniya. 

Tingnan ang kanyang post sa ibaba: 

Samantala, hindi naman malinaw kung ano ang partikular na ginawa ng nasabing scammer o kung sino ang tao sa likod nito. 

Si Arnel Pineda ay isa sa mga hinahangaang singer hindi lamang dito kundi pati na sa labas ng bansa.