• Home
  • Fresh Scoops
  • Masaya si Heart Evangelista sa kanyang naging sari-sari store challenge.

PANOORIN: Heart Evangelista, nag-shopping sa isang sari-sari store

Masaya si Heart Evangelista sa kanyang naging sari-sari store challenge.

PANOORIN: Heart Evangelista, nag-shopping sa isang sari-sari store-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

02/25/2022 09:31 AM
PANOORIN: Heart Evangelista, nag-shopping sa isang sari-sari store
Screenshot from @iamhearte Instagram post

Tinanggap ni Heart Evangelista ang challenge sa kanya ng isang netizen na pumunta sa isang sari-sari store.

 

 

Marahil ay hindi ito maituturing challenge para sa maraming Pilipino ngunit para sa isang katulad niya na A-list star, hindi ito pangkarinawan na gawain.

Hindi naman ito nagpakabog at dala-dala pa rin ang pagiging fashionista niya sa kanyang sari-sari store shopping experience.

Ani Heart, masaya siyang makita niya ang kanyang favorite na strawberry biscuit. 

“Ang saya sayaaaa!” reaksiyon ni Heart. 

Ani Heart, biglang bumalik ang kanyang mga alala noong bata pa siya. Na-miss rin daw niya ang kanyang yaya.

“Brings back my childhood memories. Missing my yaya,” saad ni Heart.

READ: Heart Evangelista returns as Metro cover star

Maliban sa biscuit, bumili siya ng mga chichirya.

Binilhan niya rin ang mga tao na bumisita sa sari-sari store kabilang na isang bata at isang matandang lalaki. 

Hindi naman agad na naintidihan ni Heart nang banggitin sa kanya ang brand ng isang energy drink ng isang lalaki na nilibre niya ng nasabing inumin.

Panoorin ang video sa ibaba: 

 

 

“Tanga lang ang peg ko,” saad ni Heart. 

Sa huli, hindi napigilan ni Heart na sabihin kung gaano siya sa kasaya sa kanyang naging karanasan.