• Home
  • Fresh Scoops
  • Nag-bonding sina John Lloyd Cruz at anak nitong si Elias kasama ang kanyang rumored girlfriend.

John Lloyd Cruz spotted kasama ang kanyang rumored girlfriend at ang anak niyang si Elias

Nag-bonding sina John Lloyd Cruz at anak nitong si Elias kasama ang kanyang rumored girlfriend.

John Lloyd Cruz spotted kasama ang kanyang rumored girlfriend at ang anak niyang si Elias-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

02/23/2022 02:56 PM
John Lloyd Cruz spotted kasama ang kanyang rumored girlfriend at ang anak niyang si Elias
Photo credits to @somethingstarwars on Instagram

Magkasama sina John Lloyd Cruz at ang kanyang umanong rumored girlfriend at ang kanyang anak kay Ellen Adarna na si Elias sa isang bakasyon.

Kumalat nitong mga nakaraang araw ang mga litrato nina John Lloyd at ang kanyang rumored girlfriend na si Isabel Santos sa isang beach kasama ang kanyang anak. 

Sa kanyang Instagram stories, ibinahagi ni Isabel ang mga litrato nila mula sa kanilang bonding moments nitong Lunes, ika-21 ng Pebrero. 


Where are John Lloyd Cruz and son Elias? Ellen Adarna responds

Bagama’t hindi pa nagsasalita si John Lloyd tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Isabel, ilang beses na rin silang namataan na magkasama noong 2021.

May isang litrato si Isabel na paniniwala ng marami ay kahawig ng bahay ni John Lloyd sa Antipolo.

May mga litrato din kung saan makikitang nakaakbay si John Lloyd kay Isabel sa nakaraang Christmas party ng talent agency ng huli na Crown Artist Management. 

Taong 2018 nang sinalubong nina John Lloyd at Ellen si Elias sa kanilang buhay. 

2017 nang magsimulang mag-date sina John Lloyd at Ellen. Nagdesisyon silang maghiwalay ngunit nananatili ang kanilang pagiging responsableng magulang sa pamamagitan ng isang co-parenting setup. 

John Lloyd Cruz, inaming hindi handa sa naging pagdating ni Elias sa buhay niya; handa nang umibig muli

Samantala, kasal naman si Ellen kay Derek Ramsay.