• Home
  • Fresh Scoops
  • Tinawag na ‘scammer’ ng isang netizen ang boyfriend ni Maymay Entrata.

Maymay Entrata bumanat sa nagsasabing ang boyfriend niya ang ‘Tinder Swindler’

Tinawag na ‘scammer’ ng isang netizen ang boyfriend ni Maymay Entrata.

Maymay Entrata bumanat sa nagsasabing ang boyfriend niya ang ‘Tinder Swindler’-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

02/22/2022 02:49 PM
Maymay Entrata bumanat sa nagsasabing ang boyfriend niya ang ‘Tinder Swindler’
Photo credits to @ Maymay on Instagram

Hindi na nakapagtimpi ang Kapamilya star na si Maymay Entrata matapos ang sunod-sunod na komento tungkol sa kanyang boyfriend. 

Partikular na binanatan ng 24-anyos na aktres at singer ang isang YouTube channel na nagpapakalat ng fake news na ang kanyang boyfriend ay isang scammer. 

Ang tinutukoy ng nasabing bidyo ay si Simon Leviev o mas kilala bilang Shimon Hayut na mas nakilala sa documentary na Tinder Swindler na ipinalabas sa Netflix. 


Maymay Entrata introduces boyfriend on Valentine's Day

Ngunit ang katotohanan ay magkaibang tao ang nasa Netflix documentary at ang boyfriend ni Maymay. 

Una sa lahat, taga-Israel ang Tinder Swindler samantalang taga-Canada naman ang boyfriend ni Maymay. 

Agad namang pinabulaanan ni Maymay ang “fake news” na kumakalat ngayong sa social media. 

Binalaan din ni Maymay ang mga taong nagpapakalat ng mga ganitong balita na maaaring humantong sa husgado ang mga ganitong pangyayari. 

“Kapag di niyo po buburahin at patuloy niyo pong pag s-spread ng false information para manira ng buhay ng ibang tao, wag niyo na po sanang hintayin na aabot tayo sa husgado. Maraming salamat po,” ani Maymay. 

Sa ngayon, burado na ang nasabing video sa YouTube channel ng nag-upload nito. 

Unang ipinakilala ni Maymay ang kanyang Valentino nitong ika-14 ng Pebrero.