• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagkwento ang dating ‘Pinoy Big Brother’ housemate at aktor na si Joe Vargas tungkol sa kanyang ginawang wedding proposal para sa fiancée na si Bianca Yanga.

Ex-PBB housemate Joe Vargas, nagkwento tungkol sa kanyang wedding proposal

Nagkwento ang dating ‘Pinoy Big Brother’ housemate at aktor na si Joe Vargas tungkol sa kanyang ginawang wedding proposal para sa fiancée na si Bianca Yanga.

Ex-PBB housemate Joe Vargas, nagkwento tungkol sa kanyang wedding proposal-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

02/22/2022 02:00 PM
Ex-PBB housemate Joe Vargas, nagkwento tungkol sa kanyang wedding proposal
Photo credits to @meetjoeblack28 on Instagram

Nagkwento ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Joe Vargas tungkol sa kanyang ginawang wedding proposal para sa fiancée na si Bianca Yanga.

Sa pinakabagong episode ng PUSH Bets Live, ibinahagi ni Joe na noon pa lamang Oktubre ay pinaghahandaan na niya ang espesyal na sorpresang ito para sa kanyang partner.


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Joe Vargas (@meetjoeblack28)

"Ginawa ko siya sa favorite place namin which is Boracay nga. Tapos nagpatulong ako doon sa friend namin doon sa Hennan resort na i-set up 'yung proposal ko. Actually andoon pa kami sa Boracay nung time na 'yun, around October. Tapos binubulungan ko na 'yung friend namin doon, 'Tulungan mo ako, babalik ako rito sa December para mag-propose.' Noon pa lang, naka-set up na lahat," ani Joe. 

Ayon naman kay Bianca, bagamat noon pa lang ay may pakiramdam na siya, nasorpresa pa rin siya nang mag-propose sa kanya si Joe. 

"As a girl meron tayong mga feeling 'di ba, 'yung mga gut feel natin, 'yung instinct natin. Pero syempre hindi tayo mag-a-assume eh, 'di ba, kahit may pakiramdam ka na. Pero kapag andun ka na pala sa moment na 'yun, iba talaga, as in masu-surprise ka talaga. Kasi every girl's dream 'yung ganung proposal. And ang galing niya kasi 'yun 'yung gusto ko eh. Na-picture out niya kung papaano," ani Bianca.

Sa online show, nagkwento rin ang magkasintahan kung paano nag-simula ang kanilang love story.

Ayon kay Joe, nasa taping siya noon ng sikat na seryeng Doble Kara nang una niyang makita si Bianca. 

"Year 2016. Kakabalik ko lang from Dubai nun. Wala pa 'yung love sa utak ko nung mga panahon na 'yun. Sabi ko ayaw ko muna ng kahit sinong babae, kasi galing ako sa breakup nun eh, ng longtime girlfriend ko nung time na 'yun. So nagpapahinga ako isang beses, tapos may narinig akong ibang tao sa tent...Tapos pagtingin ko, isang mata ko lang 'yung nakabukas, sabi ko, 'Uy, chix 'yun ah. Sino kaya 'yun?'" pagbabalik tanaw ni Joe.

"Tapos nung mga after lunch na, nilalapitan ko na siya. Kinakausap ko na siya pero ayaw niyang makipag-usap sa akin. Ang sabi ko lang sa kanya, 'May araw ka rin sa akin.'"

Kwento naman ni Bianca, pilit umanong hinihingi ni Joe ang kanyang number at pangalan sa Facebook ngunit hindi niya ito ibinigay. 

"Tapos gusto niya akong ihatid pauwi. Hello, hindi ko pa naman siya kilala nun, so bakit naman ako magpapahatid sa kanya? So sabi niya, hahanapin daw niya ako. So ako naman, hindi ako naniniwala kasi wala siyang any contact traces from me. Nagulat ako, after two-three months, nagulat ako doon sa Star Magic workshop, nandun siya sa class ko. Doon na nagsimula," aniya. 

Ayon kay Joe, noon pa lang ay alam na niyang si Bianca na ang babaeng para sa kanya. 

"From the jump, nung nag-start kami, 'yun na 'yung goal ko, [to spend the rest of my life with her]. Nung nakita ko siya, alam kong magiging kami talaga eh. Actually, hindi pa ako ready nung time na 'yun ah dahil galing akong break up pero sobrang certain nung spirits ko na siya talaga eh. Ang daming nangyari sa amin, ang daming... kumbaga pinili namin 'yung isa't isa simula umpisa," ani Joe. 

Para naman kay Bianca, answered prayer sa kanya si Joe.

"Gusto ko noon 'yung long-term na talaga, 'yung makakasama ko habang buhay. So pinagpe-pray ko noon 'yung taong makakasundo ko talaga, 'yung makaka-swak ng personality ko. Tapos hindi ko ine-expect. Hindi rin naman ako ready that time. Hindi ko hinahanap magka-boyfriend. Tapos 'yun 'yung perfect timing na dumating siya. Sobrang swak talaga ng personality namin, hindi mo talaga matatago, hindi mo maaalis. As in happy lang kami. Normal lang. Hindi pilit," aniya.

Unang sumikat si Joe noong 2010 bilang housemate ng sikat na reality show na PBB.

Naging parte rin si Joe ng ilang sikat na teleserye at pelikula, kabilang na ang Princess and I, The Legal Wife, She's Dating the Gangster, at The House Arrest of Us.