• Home
  • Fresh Scoops
  • Natupad na ang huling hiling ni Vicki Belo sa kanyang bucket list.

Vicki Belo, sinorpresa ni Hayden Kho ng kanyang dream car

Natupad na ang huling hiling ni Vicki Belo sa kanyang bucket list.

Vicki Belo, sinorpresa ni Hayden Kho ng kanyang dream car-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

02/21/2022 07:29 PM
Vicki Belo, sinorpresa ni Hayden Kho ng kanyang dream car
Screenshot from Dr. Vicki Belo YouTube Channel

Pasabog ang naging Valentine gift ni Hayden Kho para kay Vicki Belo ngayong taon. 

Ipinakita sa bagong vlog na inilabas sa YouTube channel ni Vicki ang mga naging kaganapan.


Walang kaalam-alam si Vicki sa inihanda ni Hayden para sa kanya at buong pag-aakala nito ay magde-date lamang sila. 

Ngunit ang hindi nito alam ay may five languages of love na inihanda para sa kanya si Hayden o iba’t-ibang romantic setups na nagpapakita ng affirmation, physical touch, acts of service, quality time, and gift giving.

READ: 'Best birthday by far': Vicki Belo turns 65, celebrates with a dance video

Nang dumating na sa gift giving, tinanong ni Hayden si Vicki ng limang katanungan. Dito, inilabas ni Hayden ang isang box na naglalaman ng susi para sa dream car ni Vicki matapos nitong mahulaan ang limang tamang sagot. 

“You have been granting, fulfilling the wishes of so many people… You make their wishes come true like a fairy godmother. So I thought it’s about time somebody grants your wish naman,” ani Hayden. 

READ: Vicki Belo throws birthday bash for Francine Diaz

Inamin naman ni Vicki na hindi niya inasahan ang regalo ni Hayden para sa kanya. Dito, inamin din niya na matagal na niyang gustong bilbin ang nasabing sasakyan na isang Bentley ngunit hindi niya nagawa dahil sa pagkamahal-mahal na presyo nito. 

“So unexpected kasi kung may bucket list, ‘yun na lang naiiwan sa bucket list ko. The car I’ve been wanting for so long pero every time I look at it parang masyadong mahal,” ani Vicki. 

May anak sina Vicki at Hayden, si Scarlet na isinilang noong taong 2015. Ikinasal naman ang dalawa noong 2017.