• Home
  • Fresh Scoops
  • Isinilang na ang unang anak ni Yamyam Gucong sa kanyang non-showbiz girlfriend.

TINGNAN: Yamyam Gucong, ipinakita ang kanyang bagong silang na anak

Isinilang na ang unang anak ni Yamyam Gucong sa kanyang non-showbiz girlfriend.

TINGNAN: Yamyam Gucong, ipinakita ang kanyang bagong silang na anak-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

02/21/2022 05:02 PM
TINGNAN: Yamyam Gucong, ipinakita ang kanyang bagong silang na anak
Photo credit to @gucongyamyam Instagram

Isa nang ganap na ama si Yamyam Gucong matapos nilang salubungin ng kanyang fiancée ang kanilang unang anak. 

Babae ang kauna-unahang anak ng Pinoy Big Brother: Otso Big Winner at ng kanyang fiancée na si Elaine Toradio.

READ: Yamyam Gucong, fiancée expecting baby girl


Sa isang Instagram post, proud na ibinahagi nina Yamyam at Elaine ang litrato ng kanilang anak.  

"Welcome to the outside world baby ALIAH KAYE (baby ALI)," saad ni Yamyam sa caption ng kanyang post. 

Tingnan ang litrato sa ibaba: 

Matatandaang Oktubre noong nakaraang taon nang mag-propose si Yamyam sa kanyang fiancée. 

Samantala, Disyembre noong nakaraang taon naman nang ibahagi ni Yamyam ang masayang balita tungkol sa panibagong yugto ng kanilang buhay bilang isang pamilya. 

Hindi naman alintana ang pagsusumikap ni Yamyam sa buhay sa kabila nang sunod-sunod na biyayang natanggap nito. 

READ: Yamyam Gucong buys lot and car for his family

Ibinahagi ni Yamyam sa isang panayam sa Magandang Buhay noong nakaraang taon ang pagtatayo nito ng bagong negosyo sa kanyang probinsya sa Bohol. 

Maliban pa ito sa kanyang sasakyan at lupain na nabili kung saan napapakinabangan nila sa pagsasaka.