• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinu-sino nga ba ang mga Kapamilya rising stars na ito na anak din ng mga artista?

Kapamilya rising stars na anak ng artista Part 1 | Pushpins

Sinu-sino nga ba ang mga Kapamilya rising stars na ito na anak din ng mga artista?

Kapamilya rising stars na anak ng artista Part 1 | Pushpins-Push Team
BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

02/25/2022 08:00 AM
Kapamilya rising stars na anak ng artista Part 1 | Pushpins
Photo credit to @ianabernardez, @samcruzm, @niotria and @kailaestrada Instagram

Hindi na bago sa industriya ng showbiz na sundan ng mga anak ang yapak ng kanilang mga magulang.

Gaya na lamang ng mga anak ng artista na ngayon ay gumagawa ng sariling pangalan sa mundo ng showbiz.

Sinu-sino sila?


Let's find out.

 

1. Nio Tria

Si Nio Tria ay ang unico hijo ng aktres na si Cherry Pie Picache. 

Bago pumasok sa showbiz ay isang tennis player si Nio at nanalo sa International Tennis Federation competition noong 2016 sa Vietnam. 

Unang sumabak sa pag-arte si Nio sa digital series na Click, Like, Share noong 2021. 

Nabigyan din ng role si Nio sa kanyang first TV series na Saying Goodbye kasama sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin. 

 

2. Kaila Estrada

Si Kaila Estrada ay anak ng batikang aktor at aktres na sina John Estrada at Janice de Belen. 

Prior to joining showbiz ay gumagawa na ng sariling pangalan si Kaila sa modeling industry. 

Isa si Kaila sa higit 40 artists na pumirma ng kontrata sa Star Magic Black Pen Day noong June 2021. 

Nabigyan ng TV project si Kaila sa seryeng Viral Scandal kung saan maraming netizens ang nakapansin ng galing niya sa pag-arte. 

 

3. Sam Cruz 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Sam Cruz (@samcruzm)

Si Sam Cruz ay anak ng former celebrity couple na sina Sunshine Cruz at Cesar Montano. 

Unang pinasok ni Sam ang pagiging recording artist noong 2021 kung saan nakapagrelease na siya ng kanyang debut single na ‘Train of Thought.’ 

Ipinakita rin ni Sam ang galing niya sa pag-arte nang mapabilang ito sa cast ng iWantTFC series na Unloving U. 

Busy man sa kanyang showbiz career ay priority pa rin ni Sam ang kanyang pag-aaral na kasalukuyang nasa Senior High School. 

 

4. Iana Bernardez 

Si Iana Bernardez ay ang eldest daughter ng aktres na si Angel Aquino. 

Bago sumabak sa harap ng camera ay kilala na bilang isang film producer si Iana. 

Naging parte na rin ng ilang indie films si Iana kung saan nanalo siya ng Best Supporting Actress sa 2019 Cinema One Originals Festival.   

Nakilala rin si Iana sa kanyang first kontrabida role sa katatapos lang na teleseryeng Marry Me Marry You kasama sina Paolo Avelino at Janine Gutierrez. 

 

Panoorin ang mga naging proyekto nila sa episode na ito ng Pushpins. 

Nasubaybayan niyo ba sila sa kanilang mga projects?