• Home
  • Fresh Scoops
  • Ikinatuwa at kinakiligan ng netizens ang pagkalat ng larawan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino na magkasama sa Palawan.

Janine Gutierrez at Paulo Avelino, magkasama sa Palawan

Ikinatuwa at kinakiligan ng netizens ang pagkalat ng larawan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino na magkasama sa Palawan.

Janine Gutierrez at Paulo Avelino, magkasama sa Palawan-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

02/21/2022 01:23 PM
Janine Gutierrez at Paulo Avelino, magkasama sa Palawan
Photo credits to @techiesantos7 on Instagram

Spotted ang love team na sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino na magkasamang nagbakasyon sa Palawan.

Sa Instagram, isang fan ang nag-post ng mga larawan nina Janine at Paulo na kuha mula sa kanilang beach getaway sa isla noong Enero.

https://www.instagram.com/p/CZZMkPZP2Rp/?hl=en


Base sa post, kasama rin sa bakasyon ang magkasintahang sina Cherry Pie Picache at Edu Manzano, pati na ang anak ng aktres na si Nio Tria.

Ikinatuwa at kinakiligan naman ng netizens ang mga retratong ito nina Janine at Paulo na magkasama.

Tanong ng isang fan: "Sa tingin mo, sila na kaya?"

Dagdag pa ng isang netizen: "Super happy lang talaga na nagkatotoo ang lahat."

Matatandaang nagsimula ang tambalan at pagiging malapit nina Janine at Paulo sa primetime series na Marry Me, Marry You, kung saan gumanap ang dalawa bilang si Camille at Andrei. 

Janine Gutierrez reveals what she will miss most about working with Paulo Avelino

Noong Nobyembre, inamin ni Paulo na dati silang nag-date ni Janine matapos tanungin ng press kung posible ba niyang ligawan ang aktres.

“Ako no questions asked. Alam ko itatanggi na naman ako ni Janine, lumabas kami dati hindi lang natuloy," aniya.

"Kung mangyayari itong pagkakataon na ito na single siya at single ako then okay."

Paulo Avelino reveals dating Janine Gutierrez in the past: ‘Parang nasaktan ako’

Single na ngayon si Janine matapos ang hiwalayan nila ng kanyang dating nobyo na si Rayver Cruz. Tumagal ng apat na taon ang kanilang relasyon bago sila naghiwalay.