• Home
  • Fresh Scoops
  • Kumakalat ngayon sa social media ang marriage banns ng aktres na si Erich Gonzales at ang kanyang non-showbiz boyfriend nito na si Mateo Lorenzo.

Erich Gonzales at non-showbiz boyfriend Mateo Lorenzo, ikakasal na?

Kumakalat ngayon sa social media ang marriage banns ng aktres na si Erich Gonzales at ang kanyang non-showbiz boyfriend nito na si Mateo Lorenzo.

Erich Gonzales at non-showbiz boyfriend Mateo Lorenzo, ikakasal na?-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

02/20/2022 09:42 AM
Erich Gonzales at non-showbiz boyfriend Mateo Lorenzo, ikakasal na?
Photo credit: @erichgg Instagram

Viral ngayon sa social media ang mga litrato ng marriage banns ng aktres na si Erich Gonzales at non-showbiz boyfriend nito na si Mateo Lorenzo.

Ayon sa litrato, sa darating na March 23, 2022 nakatakda ang pag-iisang dibdib ng Kapamilya actress at ang kasintahan nito sa Saint James the Great Parish sa Ayala Alabang.

Erich Gonzales at non-showbiz boyfriend Mateo Lorenzo, ikakasal na?


Si Mateo Lorenzo ay anak ng businessman na si Martin Lorenzo na nagmamay-ari ng Pancake House at Yellow Cab Pizza. 

Matatandaan na taong 2018 nang napabalita ang romantic relationship nina Erich at Mateo kung saan magkasama umanong lumipad sa Japan ang dalawa.

Hindi katulad sa kaniyang mga naunang relasyon, mas naging maingat si Erich at mas naging pribado sa kaniyang buhay pag-ibig.

Sa ngayon, nanatiling tahimik si Erich sa napabalitang kasalan.