• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinagdiwang ng aktres na si Jolina Magdangal ang ika-8 kaarawan ng kanyang anak na si Pele.

Jolina Magdangal, may mensahe para sa kaarawan ng anak na si Pele

Ipinagdiwang ng aktres na si Jolina Magdangal ang ika-8 kaarawan ng kanyang anak na si Pele.

 Jolina Magdangal, may mensahe para sa kaarawan ng anak na si Pele-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

02/18/2022 10:48 AM
 Jolina Magdangal, may mensahe para sa kaarawan ng anak na si Pele
Photo credits to @mariajolina_ig on Instagram

Ipinagdiwang ng aktres na si Jolina Magdangal ang ika-8 kaarawan ng kanyang anak na si Pele Iñigo.

Sa Instagram nitong Biyernes, Pebrero 18, nag-post ang Magandang Buhay host ng retrato ni Pele, kasama ng kanyang pagbati para sa panganay na anak.

"Dear Pele, dahil sa 'yo, nabuo ang pinangarap kong isang masayang pamilya. Lagi ako nagpapasalamat na lumalaki kang isang mabuting bata," ani Jolina.

"Ang bilis naman, 8 years old ka na," sabi pa niya. "Happy happy birthday! You always make Mama and Papa proud."

Bukod kay Jolina, ipinagdiwang din ng kanyang mister na si Mark Escueta ang kaarawan ng kanilang anak sa pamamagitan ng isang Instagram post.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mark Escueta (@markescueta)

"8 years old na si Kuya Pele. Greet niyo naman siya," ani Mark.

"Thank you Lord sa aming pamilya," dagdag pa niya.

Bukod kay Pele ay may isa pang anak sina Jolina at Mark — si Vika Anaya, 3.

Napapanood si Jolina bilang isa sa mga host ng ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay.